Teng inilapit ang La Salle sa kampeonato | Bandera

Teng inilapit ang La Salle sa kampeonato

Dennis Christian Hilanga |December 03,2016
facebook
share this

Teng inilapit ang La Salle sa kampeonato

Dennis Christian Hilanga - December 03, 2016 - 08:34 PM
la salle SUMANDAL ang  De La Salle University kay Jeron Teng sa mga huling krusyal na sandali ng mahigpit na laban kontra karibal na Ateneo de Manila University upang itakas ang 67-65 panalo sa Game One ng kanilang best-of-three finals series at lumapit sa UAAP Season 79 men’s basketball title sa harap ng mahigit 16,000 naka-asul at berdeng madla sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Ipinasok ni Teng ang mahalagang layup para kunin ng Green Archers ang abante, 66-65, may 15.1 segundo pang nalalabi sa laro bago ang ginawang pag-block kay Aaron Black sa sumunod na play ng Blue Eagles. May tsansa pa sanang magwagi ang Ateneo, nang hindi makumpleto ni Kib Montalbo ang kanyang free throws sa huling 3.3 segundo, subalit malakas ang tira ni Adrian Wong na tuluyang nagselyo upang kunin ng La Salle ang 1-0 series lead at ang pagkakataong maiuwi ang ika-9 na korona ng koponan sa Game 2 sa Miyerkules sa  Smart Araneta Coliseum. Pinangunahan ni Ben Mbala ang Archers na nagtala ng team-high 20 puntos kasama ang 15 rebounds habang nagtulong para sa pinagsamang 22 markers si Teng at Aljun Melecio, na naghulog ng mahahalagang tira sa tuwing lumalapit ang Ateneo. Maagang ipinakita ng La Salle ang kanilang ‘mayhem basketball’ kung saan nagawa pa nitong lumamang ng hanggang 15 puntos ngunit unti-unting naibalik ng Eagles ang kanilang  tikas at itabla ang iskor, 52-all, sa pagtatapos ng third quarter. Subalit sa pagsisimula ng huling yugto ay agad na bumomba ng 7-0 run ang Archers pero hindi nawalan ng kumpiyansa ang Ateneo at nakipagsagutan ng baskets sa likod ni Mike Nieto na nagbigay sa Ateneo ng 65-64 agwat sa huling 34.6 segundo, na siya ring tanging naging kalamangan ng koponan sa buong laro bago buhatin ni Teng ang La Salle sa tagumpay.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending