Vice kay Baron: Ipinagdardasal ko, sana umayos na siya! | Bandera

Vice kay Baron: Ipinagdardasal ko, sana umayos na siya!

Ervin Santiago |December 03,2016
facebook
share this

Vice kay Baron: Ipinagdardasal ko, sana umayos na siya!

Ervin Santiago - December 03, 2016 - 01:15 AM

VICE GANDA AT BARON GEISLER

VICE GANDA AT BARON GEISLER

MAS nalulungkot ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa nangyayari ngayon sa buhay ni Baron Geisler kesa sa naging experience ni Ping Medina sa shooting ng isang indie movie kung saan inihian nga ni Baron ang aktor sa isa nilang eksena.

Ayon kay Vice, mas kailangan daw ngayon ni Baron ang mga taong tunay na magmamalasakit sa kanya at gagabay sa kanya para maituwid na ang takbo ng kanyang buhay.

Isa si Baron sa may special participation sa pelikula nila ni Coco Martin na “The Super Parental Guardians” kaya kahit paano ay apektado rin si Vice sa bagong kontrobersiyang kinasasangkutan ng aktor.

“Nakakalungkot kasi hindi dapat ‘yun nangyayari. At nalulungkot ako for Baron lalo na kasi mas malungkot sa side niya kaysa kay Ping,” ayon kay Vice na ang tinutukoy nga ay ang engkwentro sa pagitan nina Ping at Baron habang ginagawa nila ang kanilang indie movie na “Bubog” directed by Arlyn dela Cruz.

Nag-sorry na si Baron kay Ping at sinabi pa nito na kung gusto ng binata na makaganti sa kanya, payag siyang magpasapak sa mukha kung iyon daw ang ikagagaan ng loob nito.

Chika pa ni Vice, mas kailangan ni Baron ngayon ang matinding paggabay mula sa mga taong nagmamalasakit sa kanya, “Sa panahong ‘to, feeling ko kailangan ni Baron ng pamilya at kaibigan na magpapaliwanag sa kanya ng mga bagay at magga-guide sa kanya.

“Ayon lang. Concerned ako kay Ping at saka kay Baron pero sana may mag-guide kay Baron. Eh, hindi naman ako masyadong close sa kanya kaya I don’t have the power. Pero, iyon ang pinagdadasal ko, sana umayos siya,” sey ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending