Awra agaw-eksena sa pelikula nina Vice at Coco; pinaligaya ang madlang pipol | Bandera

Awra agaw-eksena sa pelikula nina Vice at Coco; pinaligaya ang madlang pipol

Cristy Fermin |December 03,2016
facebook
share this

Awra agaw-eksena sa pelikula nina Vice at Coco; pinaligaya ang madlang pipol

Cristy Fermin - December 03, 2016 - 12:30 AM

BB. JOYCE BERNAL. AWRA BRIGUELA, VICE GANDA, COCO MARTIN AT ONYOK PINEDA

BB. JOYCE BERNAL, AWRA BRIGUELA, VICE GANDA, COCO MARTIN AT ONYOK PINEDA

PUMILA agad sa mga sinehan nu’ng Bonifacio Day ang mga kaibigan namin. Ayaw nilang magpahuli, kailangang kasali rin sila sa mga kuwentuhan, kaya maaga pa lang ay pinanood na nila ang pelikulang pinagsasamahan nina Vice Ganda at Coco Martin.

Punumpuno ang sinehan, pero mas napuno ‘yun ng mga halakhakan, dahil nakakaaliw kasi ang mga eksena. Panalo para sa kanila sina Vice Ganda at Coco pero umuwi ang mga kaibigan namin na mahal na mahal ang child actor na si Awra.

“Grabe ang batang ‘yun, ang galing-galing! Nakikipagsabayan talaga siya kay Vice, napakanatural niya, aliw na aliw kaming lahat sa kanya. Mahal na namin si Awra!” tumitiling komento ng kaibigan naming becking si Sonia.

Napapanood na nito si Awra sa Ang Probinsiyano, ang linyang “Bongga!” ng child actor ay bentang-benta na sa aming kaibigang becki, pero ibang-iba pa pala ang puwedeng gawin ni Awra sa pelikula.

“Maaaliw ka talaga sa kanya dahil siya ang nagdadala sa maraming eksena. Talagang ayaw niyang magpakabog kay Vice, napalaban din sa kanya si Viceral, in fairness!” komento uli ni Sonia.

Namimiruya na ng salapi ang pelikula ngayon, hindi man sila napasama sa mga lahok sa MMFF ay nakaganda pa nga ‘yun sa kanila, dahil nakauna na sila sa mga sinehan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending