AFP nabawi na ang Butig mula sa Maute terror group | Bandera

AFP nabawi na ang Butig mula sa Maute terror group

- December 01, 2016 - 06:11 PM

30butig

NABAWI na ng mga sundalo ang Butig, Lanao del Sur matapos na kubkubin ng teroristang Maute group noong isang linggo, ayon sa militar.

“The center of Butig has been 100 percent cleared by our troops. The main areas, the built-up areas of Butig municipality, is now clear,” sabi ni Armed Forces spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla sa panayam sa Camp Aguinaldo.
Idinagdag ni Padilla na inihahanda na ng mga tropa ng gobyerno na i-turn over sa mga lokal na opisyal ang Butig nang makabalik na ang mga residente sa kanilang normal na buhay.

“Military operations will continue in nearby areas where clearing operations are needed so the rebels won’t be able to return,” dagdag ni Padilla.
Base sa pagtaya ng militar, umabot sa 61 miyembro ng Maute group ang napatay, samantalang 12 iba pa ang nasugatan.
Samantala, umabot sa 35 sundalo ang nasugatan sa nangyaring bakbakan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending