Male star mas girl pa sa GF na aktres, maraming arte sa katawan | Bandera

Male star mas girl pa sa GF na aktres, maraming arte sa katawan

Cristy Fermin - December 02, 2016 - 12:20 AM

BLIND ITEM MALE 0412

PALAGING tampulan ng kuwento ang isang magka-loveteam kuno sa tunay na buhay. Marami silang mga nakakasama sa malalayong shows, sila ang poste ng palabas, dagdag lang ang iba pa.

Natural, kapag dalawang araw silang mamamalagi sa probinsiya ay may mga dala-dala silang personal na kagamitan, du’n pa lang ay pinagkukumpara na ng mga miron ang magka-loveteam kuno sa totoong buhay.

Kuwento ng isang source, “Mas marami pa kasing bagahe ang guy kesa sa girl. Isang maleta lang ang sa babae, pero ‘yung guy, may dalawang maleta na nga siya, with matching backpack pa na punumpuno rin ng mga kagamitan niya!

“Ang dami-dami kasi niyang dala-dala para sa mga seremonyas niya, kumpleto siya ng kung anu-anong pampahid sa balat, may dala pa siyang isang kilong calamansi yata ‘yun!

“Ang dami-dami niyang dalang damit, kasi nga, masyado siyang showy. Kailangang maipakita niya ang mga bitbit niyang damit at sapatos sa mga kasamahan niya!

“Nakakaloka ang lalaking ‘yun, marami siyang churva sa katawan. Daig pa niya ang babae, kumplikado ang mga pinaggagagawa niya!” naiinis na kuwento ng impormante.

Sa kilalang male personality rin nalaman ng kanyang mga kapwa artista kung paano alagaan ang balat, nakatutuyo raw ang alcohol, meron siyang brand ng lotion na epektibo raw gamitin pagkatapos makipagkamay ng mga personalidad sa kanilang mga fans.

“Hanggang sa backstage, meron pa rin siyang mga dala-dalang kagamitan. Iniwanan na ng mga kasama niya ang kanilang mga bagahe sa hotel, pero siya, may mga seremonyas pa rin sa show proper!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, markahan n’yo ng X ang lalaking ‘yan na napakaarte sa katawan!” natatawang pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending