Baron nag-sorry na kay Ping: Sige, payag akong sapakin niya sa mukha! | Bandera

Baron nag-sorry na kay Ping: Sige, payag akong sapakin niya sa mukha!

Ervin Santiago - December 01, 2016 - 12:04 PM
baron geisler at ping medina HUMINGI na ng sorry si Baron Geisler kay Ping Medina matapos niya itong pagtripan at ihian sa mukha sa shooting ng kanilang indie movie kamakailan. Idinaan ni Baron sa kanyang Facebook account ang paghingi niya ng tawad kay Ping, at naiintindihan daw niya kung bakit ganu’n katindi ang galit nito sa kanya. Kasabay nito, mariin din niyang itinanggi ang ilan sa mga naging pahayag ng direktor nila sa pelikulang “Bubog” na si Arlyn dela Cruz laban sa kanya. Narito ang ilang bahagi ng napakahabang FB post ni Baron. “HULING MENSAHE PARA SA LAHAT. Para po sa mga aking nasaktan, Patawad po. Para po sa mga nagmamahal sa akin at patuloy na naniniwala, Maraming salamat po. “Bago ko po tinaggap ang proyektong ito may mga ilan na nagsabe sakin na magulo makatrabaho ang Direktor na ito. Bukod sa on the spot na papalitan ang character mo may mga insidente na pabago bago ang mga nasa script. “Pero dahil naging interesado ako sa ibinigay sakin na role, tinggap ko po ang proyekto. Makalipas ang ilang linggo nagtext sakin ang isa sa mga produksyon upang i-alok sa akin ang panibagong role. Napaisip ako dahil napag aralan ko na ang script ng unang character na ibinigay nila sa akin. Sumagot ako ‘Sige po kung ano ang sa tingin ko Direk na babagay sa akin.’ “Makalipas ang ilang araw nagtext nanaman sila sa aking upang ipaalam na papalitan ulit ang character ko. Bilang isang artista may karapatan ako na makaramdam ng inis sa papalit palit na role. Dumating sa punto na nagtext ako na ayaw ko na sana tanggapin kung ganito sila kagulo kausap. Nagtext si Direk, Gusto daw niya ako sa pelikula niya pero hindi daw niya ako pipilitin kung ayaw ko na.” Inilahad din ni Baron kung paano nangyari ang “ihian scene” sa shooting, “Yung susunod na scene ipinaliwanag na samin ni Direk ang mga gagawin, nag rehearse. Nabitin ako sa gagawin, kaya lumapit ako kay Ping upang sabhin na may ggawin ako sakanya at sana wag siya magalit. Ganun din ang ginawa ko kay Direk. “Sinabihan ko siya na may gagawin ako ngunit nagmamadali siya para matapos na kami hindi na niya nagawang tanungin kung ano itong gagawin ko at sinabe nalang niya na ‘Sige gawin mo nalang wag mo na sabihin sakin’ bilang isang direktor kailangan alamin mo parin upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari. “Kilala ko si Ping Medina isa sa mga pinakamagaling na actor ng mga Indipendent Films, alam ko na ready siya sa lahat ng mga eksena na mabibigat at kung ano pa man. Kaya hindi sumagi sa isip ko ang magiging reaksyon niya sa nangyari. “Pagkatapos ng pangyayaring iyon humingi ako ng tawad, kahit na naghamon siya hindi ako lalaban hindi dahil sa wala akong laban. Sinabe ko pa nga na sige handa akong sapakin niya sa mukha para kahit papaano mabawasan ang galit niya. “Ganun pa man, alam ko na meron din akong pagkakamali kaya humihingi ako ng tawad kay Ping. Pare pasensya na. Kung ano man ang mga sinabe mo sa media okay lang, at kung ano pa man ang sasabihin mo okay lang din. Alam ko na maayos din ang lahat, aantayin ko nalang yung araw na magiging maayos din ang lahat sa atin.” Samantala, nag-post din kamakailan si direk Arlyn dela Cruz ng mahabang mensahe sa kanyang FB page, at narito ang ilang bahagi nito. “Alam namin kung ano ang nangyari sa eksenang iyon, na ang katotohanan, karugtong ng pinagtimpiang mga pangyayari sa kabuuan ng araw na iyon. No one gave him any permission to do what he did. I did not. “What he did was his own twisted interpretation of the character assigned to him, which I explained to him and even demonstrated over and over, off the set and on the set—to prep him for that important scene. “He was concerned and restless, asking everyone, and even to Ping’s face if Ping was bida. That’s where the inappropriate and surprise act came from. He wanted to eclipse the portrayal of Ping with the character assigned to him. It did not work, an insecurity that manifested in that one act of betrayal of trust and respect that I gave him. “After repeatedly reviewing in my mind the events of that entire day—I believe now that it’s even part of his plan to mess with that scene so that we could not use it for the film and that the brilliant portrayal of Ping will not be seen. He knew that it would require another shooting day to re-shoot everything and he knew, as every independent filmmaker knew, can cost a lot. “Baron knew all these would be the end result of his surprise act. And I just realized, he has a movie coming out, that social experiment between him and Kiko Matos. Everything else was planned. He was part of that scripted public brawl. And he is due to release a book. “Gusto kong magmura. Ang sarap-sarap magmura ng pagkalutong-lutong. Nagamit kami sa promotion!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending