Vice ‘pinaglaruan’ si Ogie Diaz, netizens tuwang-tuwa | Bandera

Vice ‘pinaglaruan’ si Ogie Diaz, netizens tuwang-tuwa

Alex Brosas - December 01, 2016 - 12:05 AM

vice ganda at ogie diaz

NAKAKAALIW ang ginawang prank call ni Vice Ganda sa talent manager na si Ogie Diaz.

Napanood namin ang playtime call ni Vice sa dati niyang manager sa “Heartbeats” radio show nina DJ Chacha and DJ Martin Concio.

Nagkunwaring member ng San Roque Church choir sa Blumentritt si Vice. Tinawagan niya si Ogie para humingi ng permiso na mag-carolling sa kanya.

Naloka si Ogie nang sabihin sa kanya ni Vice na nakita niya ang cellphone number ng talent manager na nakasulat sa likod ng restroom door.

“Doon po sa isang friend ko kasi nakita raw po niya ‘yung number niyo…sa pinto ng CR,” walang kagatol-gatol na sabi ni Vice kay Ogie nang tanungin siya kung saan niya nakuha ang number nito.

Halatang napipikon na si Ogie pero pinagsabihan na lang niya na sa ibang tao na lang mangaroling si Vice dahil hindi naman niya ito personal na kakilala.

Nakakaloka lang kasi hindi nabosesan ni Ogie na si Vice ang kausap niya. Laugh nang laugh ang netizens na nakapanood ng video. Later, inamin ni Vice kay Ogie na isa lang itong prank call.

May prank video pang ginawa sina Vice at Coco Martin sa comfort room. ‘Yung isang eksena, nakita silang nag-aaway ng isang matanda. ‘Yung pangalawa naman, na-sight sila ng isang dalaga habang naghahalikan kunwari sa isang cubicle.

Clueless ang dalawang nabiktima nina Coco at Vice na isang drama lang ang lahat. Kinausap pa nila ang matanda at ang dalaga na ‘wag nang ipagkalat ang kanilang nasaksihan. Later on, inamin nila ang totoo at sinabing isang malaking drama lang ang lahat.

Kahapon ang first day ng “Super Parental Guardians” at ang daming sinehan ang may nakalagay na soldout sa pinaglabasan nito. This means na talagang humataw sa takilya ang movie nina Vice kasama sina Awra Briguela at Onyok Pineda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending