'Dapat lang na maparusahan si Baron sa ginawa niya kay Ping!' | Bandera

‘Dapat lang na maparusahan si Baron sa ginawa niya kay Ping!’

Ambet Nabus - December 01, 2016 - 12:10 AM

baron geisler at ping medina

SA narinig naming mga pahayag nina direk Arlyn dela Cruz, Baron Geisler at Ping Medina, gusto naming tumbukin ang isyung naghahanap lang talaga ng isyu ang indie project na ginagawa nila.

The fact na “hinayaan” ng direktor na maisagawa ni Baron ang pag-ihi sa kanyang co-actor na si Ping, nahihirapan kaming kumbinsihin ang aming sarili na “kasalanan” lahat yun ng pasaway na aktor.

At dahil kilala nilang kontrobersyal at mahilig pumasok sa gulo ang magaling na aktor kaya marahil naisip nilang kunin ito sa nasabing pelikula at sakyan ang ang anumang lilikhaing kontrobersya nito, gaya nga nang nangyayari ngayon.

Don’t tell us na habang iniihian ni Baron ang co-actor niya eh, walang mga kamera at monitor na nakatutok sa eksena na napakadali namang awatin o sigawan ng “Cut!”” ng direktor to avoid further trouble, kung hindi man ‘yun naisip gawin ng mga camera men na siyempre pa ay sa direktor lang din sumusunod.

At bakit kinunsinti rin ng direktor na ituloy na kunan ang eksena kung alam na nilang nakainom at lasing si Baron?

Well, ganu’n pa man, it’s about time na talagang bigyan na ng disciplinary action si Baron, kung hindi man ay i-refer na sa professional dahil very obvious na ang “sakit” (topak o whatever you call it) nito na feeling niya’y normal pa rin.

And yes, we have to salute Ping for his patience and being a true artist na kahit feeling nababoy na ay tinapos at ginawa pa rin ang eksena. Hmmmm, mapanood nga ang movie na ito, kahit pa tinanggal na sa cast ang pasaway na aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending