Naghain ng panukala ang isang solon upang patawan ng buwis ang mga produkto depende sa dami ng asin na inilagay dito.
Ayon kay Masbate Rep. Scott Davies Lanete, isang doktor, may panganib na dala ang pagkain ng mga maaalat na pagkain kaya dapat itong iregulate ng gobyerno.
“During ancient times, salt (sodium chloride) was heavily taxed due to its importance in various cuisines and rarity. However, as civilization improved, salt become more and more available,” ani Lanete. “Nowadays, salt has acquired a new image. It is now treated as silent killer as its consumption has a correlation with high blood pressure which consequently leads to increased risks of having a heart attack and stroke.”
Sinabi ni Lanete na hindi na bago ang pagbubuwis sa asin at ginagawa na ito sa ibang bansa gaya ng Vietnam, Uganda, Tanzania, Suriname, Sri Lanka, Panama, Morocco, Kenya, Jordan at Cambodia.
“Due to the harmful effects of salt, a significant number of countries has imposed sin taxes on salt to deter people from consuming it.”
Inihain ni Lanete ang House bill 3719 upang patawan ng P1 buwis ang bawat milligram ng asin na lalagpas sa one third ng allowable daily intake ng isang tao na itinatakda ng Department of Health.
Bukod sa asin, pinag-aaralan din sa Kamara de Representantes ang pagtaas sa buwis na ipinapataw sa asukal. Ang asukal ay iniuugnay sa diabetes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.