BINIGYAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ng ultimatum ang teroristang grupong Maute Group sa harap naman ng patuloy na operasyon ng militar laban sa grupo sa Butig, Lanao de Sur.
“Sinabi ko…hindi ko naman sila tinatakot, sabi ko ayaw kong makipag-giyera but do not force my hand into it,” sabi ni Duterte.
Idinagdag ni magpapatuloy ang operasyon ng mga puwersa ng gobyerno laban sa Maute group. “They have to go on with the operations. What is there to stop? Wala naman nagpapakita ng sincerity dyan so the fight goes on,” sabi ni Duterte.Natuloy ang pagbisita ni Duterte sa Butig, Lanao del Sur kahapon kung saan pinangunahan niya ang
Command briefing sa 103rd Brigade.
Binisita rin niya ang mga sundalong nasugatan matapos ang nangyaring ambush sa Marawi City noong Martes na kasalukuyang ginagamot sa 4ID station Hospital at Polymedic Hospital sa Cagayan de Oro City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending