Ambush sa PSG di peke--AFP | Bandera

Ambush sa PSG di peke–AFP

- November 30, 2016 - 05:16 PM

Soldiers-pursuing-the-Maute-Group-in-Lanao-Sur

TODO-tanggi ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na peke ang naganap na ambush kamakalawa sa Marawi City na ikinasugat ng pitong miyembro ng Presidential Security Group (PSG) at dalawang tauhan ng 103rd Brigade ng Philippine Army.
Ani Col. Edgard Arevalo, Public Affairs Office chief, “unfair” na sabihing gawa-gawa lamang ang pananambang gayong dalawa sa mga biktima ay kritikal ang kondisyon.
“Halos magbuwis ng buhay ang tropa ng pamahalaan kaya hindi tama ang mga akusasyong pineke ang ambush,” aniya.
Naniniwala ang opisyal na mga miyembro ng Maute group ang nagpalutang ng maling kuwento.
Sa mga kumalat na “balita” sa Marawi City, sinabi umano ng mga residente sa Brgy. Emi na walang nangyaring pananambang.
Isa sa mga sundalo na sakay ng military truck ang umano’y nagpaputok gamit ang kanyang service firearm.
Dahil dito ay inakala ng iba pang sundalo sa convoy na ina-ambush sila kaya nagpaputok din sila.
Wala rin daw nakita ang mga residente na sasakyan na nawasak
dahil sa pagsabog ng IED.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending