Juday gagawa uli ng teleserye sa ABS-CBN: Pag bumalik na po ang katawang lupa ko!
PROMISE ng Teleserye Queen na si Judy Ann Santos sa kanyang mga fans, muli siyang gagawa ng soap opera kapag bumalik na ang dati niyang katawan.
Maraming Kapamilya viewers ang nagsasabi na miss na miss na nila ang asawa ni Ryan Agoncillo sa TV, matagal-tagal na rin kasi siyang hindi napapanood sa mga serye ng ABS-CBN.
“Kapag nakabalik na ako sa katawang lupa ko, kasi ngayon nasa alapaap pa ako, but now I’m working on it pa. Pag medyo in good fighting form na at may magandang material or something na would not require me a lot of time for now,” paliwanag ng aktres.
Dagdag pa ni Juday sa panayam ng ABS-CBN, “Gusto ko lang din na worth it yung project pag bumalik ako, maganda yung katawan ko, yung kahit patamblingin ako ng direktor ko, magagawa ko yun nang walang limitations. Gusto ko, as much as possible, fit na fit ako.”
Marami namang nagtanggol at kumampi kay Juday nang sagutin niya ang isang basher na nanlait sa kanyang katawan. Sey ng aktres minsan lang naman daw siyang rumesbak sa mga basher.
“Hindi nawawala pero kapag nauunahan mo sila ng pagdedma hindi sila mamba-bash pero siguro uunahan mo na sila. There are times na mababasa mo pa rin talaga ang mga comment pero yung particular basher na yun, napapansin ko na medyo rude na yung mga comments niya.
“It’s just that time nasa mood lang ako kumbaga, ‘Ahhhh gusto mo a o sige’ pero hindi naman para kutyain siya ng ibang tao. Ang sa akin lang, gusto ata talaga mag papansin e di sige, pero kung talagang may issue talaga sa akin sige patulan kita nasa mood ako,” sey pa ni Juday.
Dahil sa pagsagot niya sa mga bashers na nang-ookray sa katawan niya, naging boses na rin siya ng ibang babae na nagiging biktima ng body shaming sa social media.
“Feeling ko hindi ka lang nagsasalita for yourself, you also talk for other people na kung ano ang pinagdadaanan mo, pinagdadaanan din naman ng maraming tao yan. Ang lakas lang nila mam-bash kasi hindi sila nakikita. Magpakita sila tsaka sila mam-bash para kwits,” pahayag pa ni Juday.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.