Boobay na-stroke dahil sa sobrang puyat, pagod; inoobserbahan pa rin daw sa ICU
NA-STROKE ang Kapuso TV host-comedian na si Boobay o Norman Balbuena sa totoong buhay.
Ayon sa kanyang partner na si Kent Juan Resquir, isinugod si Boobay sa ospital matapos makaramdam ng pananakip ng dibdib at hirap sa paghinga.
Sa kanyang Instagram account, ibinalita ng boyfriend ng komedyante ang kanyang kundisyon. Habang isinusulat namin ang balitang ito, nasa Intensive Care Unit o ICU pa rin si Boobay at under observation.
Noong Lunes ng gabi, sinabi ni Kent na medyo umaayos na ang kundisyon ng TV host-comedian,
“Boobay’s condition is getting better. He is conscious and vital signs are stable.
“Strength of both upper and lower extremities is not impaired. Comprehension is preserved but has trouble speaking fluently.
“Still in Acute Stroke Care for further observation. We just hope his condition is not getting worst as he is still under observation. Thank you so much for all your prayers.”
Sabi pa ni Kent, kahit daw naka-confine si Boobay ay nagagawa pa rin nitong magpatawa. Ipinost pa niya ang biruan ng kanyang partner at ni Allan K na agad dumalaw sa kanyang kaibigan sa ospital.
Tanong daw ni Allan kay Boobay: Kilala mo ba ako?” na sinagot naman daw ng komedyante ng, “Ako ang iyong tunay na ama,” kaya tawanan daw ang lahat ng naroon.
Humiling din ng dasal ang isa pang kaibigan ni Boobay na si direk Louie Ignacio sa pamamagitan ng kanyang Facebook account. Ayon sa direktor, posibleng sobrang pagot at araw-araw na puyatan dahil sa sunud-sunod na trabaho ang naging sanhi ng stroke ni Boobay.
Huling nagkasama sina direk Louie at Boobay sa morning show noon ni Marian Rivera na Yan Ang Morning. Hindi lang kami sure kung dumalaw na sa ospital si Marian na kilalang BFF ni Boobay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.