Hello Kitty magtuturo ng kagandahang-asal sa mga bagets | Bandera

Hello Kitty magtuturo ng kagandahang-asal sa mga bagets

- November 30, 2016 - 12:30 AM

hello kitty

NALALAPIT na ang pagtatanghal sa Pilipinas ng kauna-unahang musical sa buong mundo na tampok ang sikat na Sanrio character na si Hello Kitty.

Pinamagatang “Hello Kitty Live: Fashion & Friends”, ang naturang palabas ay magtatampok din sa mga kaibigan ni Kitty na si My Melody, Mimi, Dear Daniel, Bad Badtz-Maru at Pom Pom Purin. Kasama rin dito ang character na si Sophie na siyang magsisilbing narrator at tagapag-ugnay sa audience at sa mga characters na nasa entablado.

Hangarin ng palabas na ito na ilahad ang buhay at pangarap ni Hello Kitty. Nais din nito na ipamahagi ang mabuting mga kaugalian tulad ng pagrespeto at pagiging mabuti sa kapwa. Pati na ang pagiging loyal at matulungin ay ituturo sa show na ito.

Ang “Hello Kitty Live” ay magbibigay ng pagkakataon sa kanyang libo-libong fans na mapanood siya at makahalubilo dahil very interactive halos ang kabuuan ng show. Tampok din dito ang ilan sa pamilyar na top 40 songs nina Bruno Mars, Kylie Monigue, Flo Rida at iba pa. Maliban dito, makikita din ang kakaibang teknolohiya sa show dahil sa mga special effects at lighting design.

Nakatakdang mapanood ang “Hello Kitty Live” sa Meralco Theater mula Dec. 20 hanggang Jan. 1, 2017. For ticket inquiries, bumisita o tumawag sa Ticketworld (891-9999) or log on sa www.ticketworld.com.ph. Maaari ring tumawag sa promoter ng show na Royale Chimes Concerts and Events (0906-4180786 o 0918-4972121).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending