True ba, Maine sinulot si Jennylyn sa Pinoy version ng My Love From The Star?
BASTUSAN na yata ang nangyayari ngayon sa isang network.
There are talks na kay Maine Mendoza na mapupunta ang role na dapat sana ay kay Jennylyn Mercado. We’re referring to the role of Steffi Cheon sa hit Koreanovela na My Love From The Star.
Ang kumakalat kasing chika ay hindi na raw ito kay Jennylyn. Ibibigay na raw ito kay Maine dahil pine-pressure raw ang network ng AlDub fans na kina Maine at Alden Richards ibigay ang said project.
Eh, alam na alam na ng lahat na si Jen na ang gaganap sa role. Does this mean na nasulot siya ni Maine?
Noong una kasi, nagpakipot-kipot pa ang management ni Maine. Pinahirapan nila ang number two network dahil parang ayaw pa nilang ibigay si Maine for a teleserye. Nagpakalat ng chika na kukunin si Alden bilang leading man ni Jen kaya nataranta ang management ni Maine. Ayun, biglang nagpalabas ng press release na gagawa na ng teleserye sina Maine at Alden.
Now, here comes the report na sina Maine at Alden na ang bibida sa Koreanovela remake. Kung totoo ito, aba, parang nabastos naman si Jen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.