Vice sa hindi pagkakasama ng 'TSPG": Kawalan sa mga manonood, hindi sa MMFF | Bandera

Vice sa hindi pagkakasama ng ‘TSPG”: Kawalan sa mga manonood, hindi sa MMFF

Alex Brosas - November 25, 2016 - 11:37 PM

VICE Ganda strongly believes na napakalaking kawalan sa mga manonood ang hindi nakasama ang “The Super Parental Guardians”.
“Kung malaking kawalan, gusto ko ng ilabas ang MMFF kasi, it’s very unfair. Ang kawalan nito, sa mga manonood, hindi sa filmfest. Kasi, with all due respect, sa lahat ng napiling pelikula, lahat ay magaganda. Pero, parang wala akong nakitang pambata talaga na pelikula.
“Sa tingin ko, malaking kawalan ito kasi, malaking bahagi ng mga manonood na pupunta sa sinehan tuwing araw ng Pasko ay mga bata. Kaya sabi ko nga, ano pa ang panonoorin ng mga bata, ‘di ba?
“Parang nanghinayang ako na yung mga bata, excited sa panahong ito para lumabas ng bahay, kasama ang buong pamilya nila, nanay, tatay, mga kapatid nila, mga kinakapatid nila, lahat sila dadagsa ng pelikula.
“Ano ang papanoorin ng mga bata na para sa kanila ay para sa kanila talaga. Kaya du’n ako nanghihinayang na wala talagang pambata. E, naniniwala ako na itong pelikula namin ay talagang pambatang-pambata. This movie is a family movie and movie made for kids,” he aded.
Naikuwento rin ni Vice na plano nilang magbakasyon ng kanyang pamilya sa Paris after Christmas Day.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending