Nagsisinungaling si Dayan – Sen. de Lima
“ABSOLUTELY untrue,” ang naging tugon ni Senador Leila de Lima bilang reaksyon sa naging pahayag ng dati niyang driver/lover na si Ronnie Dayan.
Ito ay matapos kumpirmahin ni Dayan na tumanggap ang senador ng drug money mula sa sinasabing drug lord na si Kerwin Espinosa.
Ayon kay de Lima, expected na umanong idadawit siya sa ilegal na droga dahil pinuwersa ito para magsinungaling laban sa kanya.
“Ronnie’s claim is absolutely untrue. I don’t know Kerwin and neither does Ronnie. He knows that,” pahayag ng senador sa kanyang text message sa mga reporter.
Dagdag pa ni de Lima wala na sa kanya si Dayan ng mga panahon na sinasabing siya ay tumanggap ng pera mula sa droga galing kay Kerwin.
Tinukoy rin nito ang umanoy “conflicting media reports’ tungkol sa timeline nang pagtanggap diumano niya ng pera. Merong report na tumanggap siya kay Espinosa noong Oktubre, Nobyembre at Disyembre 2015 habang ang iba ang sinasabi ay tumanggap siya ng pera noong 2014.
“If 2015, hindi ko na tao si Ronnie,” pahayag ni de Lima.
“So how could I have ordered him to get money from Kerwin? Kaya lang, syempre, and as expected, napilitan na rin si Ronnie magsinungaling,” dagdag ng senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.