Vice, Coco sasali pa rin sa 2017 MMFF kahit inisnab ang 'SPG' | Bandera

Vice, Coco sasali pa rin sa 2017 MMFF kahit inisnab ang ‘SPG’

Ervin Santiago - November 23, 2016 - 12:05 AM

super parental guardians

AMINADO sina Coco Martin at Vice Ganda na nalungkot at nagulat sila nang malamang hindi nakasali sa Metro Manila Film Festival 2016 ang pelikula nilang “Super Parental Guardians”

Sa It’s Showtime inihayag ni Vice na may maagang Pamasko sila para sa madlang pipol – ito nga ang pagpapalabas ng kanilang movie bago mag-Pasko.

Ayon kay Vice mapapanood na ng mga Pinoy ang pelikula nila ni Coco sa Nov. 3o under Star Cinema.

Diretsong sinabi ng TV host-comedian na nasaktan siya nang makarating sa kanya ang balitang inisnab ng screening committe ang kanilang entry.

Pero aniya, “Panata ko na ‘yun na dapat taon-taon lagi kaming may regalo sa pamilyang Pilipino lalung-lalo na sa mga bata, kasi ang Pasko ay para talaga sa mga bata yan e, ito yung panahon na lumalabas sila ng bahay kasama ang kanilang mga magulang, kakain sa mall at manonood ng sine.”

Ayon pa kay Vice, mas lalo silang na-inspire dahil sa dami ng mga taong nakikisimpatya sa kanila, “Actually nu’ng sinabi sa akin na hindi kami pumasok sa listahan for filmfest, na-sad ako siyempre talaga namang normal ang malungkot, sabi ko na lang sayang wala akong pelikula sa filmfest.

“Tapos nang umuwi na ako nagbasa ako ng Twitter, binasa ko yung mga tweets, naiyak ako sabi ko, ‘Ang sarap sa pakiramdam na ganu’n ang nabasa ko na halos lahat puro positibo.’

“Doon ko na-realize na mayroon na pala akong magandang naibahagi sa pamilyang Pilipino na talagang naaalala at inaaalala every year, napagod nga ako kakabasa ng mga magagandang tweets para sa akin kaya nagpasalamat ako talaga,” pahayag ni Vice.

May gusto ba siyang iparating na mensahe para sa organizers ng MMFF?

“Wala naman, ang mahalaga naman ay mayroon kaming produktong ihahain sa mga manonood di ba, yung date lang naman ang nagkatalo, yung date lang ang naiba, ganu’n buo pa rin ang regalo, matatanggap pa rin ng mga pamilyang manonood para sa Pasko.”

At sa kabila nga ng pang-iisnab sa movie nila ni Coco sa 2016, “Sasali pa rin kami, kasi panata nga ito e, kailangan pasayahin namin yung mga bata, parang sa mga bata kami na in-charge doon, sa iba parang kayo na bahala doon sa mga pang-mature na pelikula yung mga sinasabing pangmatalinong pelikula basta sa amin na ang mga bata.”

q q q

Samantala, nagulat din ang Teleserye King na si Coco Martin nang malaman na hindi nagustuhan ng MMFF screening committee ang “Super Parental Guardians.”

“Honestly nalungkot ako, kasi talagang nu’ng binubuo namin to ni Vice ng Star Cinema ni Direk Joyce (Bernal), naka-mindset kami para sa Pasko.

“Siyempre para magpaligaya sa ating mga manonood ngayong Pasko, pero nu’ng hindi siya natanggap aaminin ko masakit pero okay lang kasi hindi naman natin hawak ang desisyon,” sey ni Coco.

“Sabi ko nga, baka may ibang plano at baka may iba talaga silang gusto (MMFF) ibigay ngayong Pasko, pero sabi namin kung may nagsaradong pinto, may nagbubukas naman na bintana,” chika ng Kapamilya actor.

Dagdag pa ni Coco, “Siguro mas maaga na lang namin kayong hahandugan ng Pamasko namin, ginawa namin ito para masaya kayo, maligayahan kayo ngayong Pasko at para sulitin ang ibanayad ninyo sa sinehan,” aniya pa.

Pero sa kabila nga ng lahat, positibo si Coco na tatangkilikin pa rin ng madlang pipol ang kanilang pelikula. Hindi rin daw siya galit sa MMFF committee.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kami naman sport naman kami, sabi nga namin parang nakakalungkot, hindi lang naman kami ang hindi nakasali at naniniwala kami na mas marami pang chance para bumawi at ito ay ang mas maagang Pamasko para sa inyo,” sabi pa ng award-winning actor.

Kahapon ginanap ang grand prescon ng “Super Parental Guardians” sa Resorts World Manila at dito nga nangako ka sina Coco at Vice na muli nilang paliligayahin ang madlang pipol sa bago nilang pelikula. Showing na ito sa Nov. 30 sa mga sinehan nationwide, under Star Cinema.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending