Kris natameme sa isyu ng paglilibing kay Marcos sa LNMB | Bandera

Kris natameme sa isyu ng paglilibing kay Marcos sa LNMB

Cristy Fermin - November 22, 2016 - 12:25 AM

kris aquino

KUNG kailan inaasahan ng mas nakararami si Kris Aquino na magsalita tungkol sa lihim na paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani ay saka naman nananahimik ang aktres-TV host.

Direktang kalaban ng kanyang pamilya ang mga Marcos, sila mismong magkakapatid ang nagkukuwento kung gaano naging kahirap ang kanilang kabataan dahil sa pagkakulong sa kanilang amang senador, si dating Pangulong Marcos ang idinidiin nilang magkakapatid sa kanilang mga panayam.

Marami nang personalidad na nagsasalita laban sa mga Marcos, kinakalampag nila ang lihim na paglilibing nito sa LNMB, pero nganga ang marami dahil walang kahit anong sinasabi si Kris tungkol sa kontrobersiyal na isyu.

Sinasang-ayunan naman ng kanyang mga tagasuporta ang kanyang pananahimik, pabayaan na lang daw ni Kris na ibang mga artista at ang bayan ang sumigaw, dahil may personal na problema siyang dapat unahin.

Komento ng kaibigan naming propesor, “Mas magiging busy pa ba siya sa pakikipag-rally, e, wala pa nga siyang show hanggang ngayon? Unahin na muna niya ang sarili niya, huwag na siyang makihalo pa sa gulo, ayusin muna ni Kris ang sariling problema niya!”

Pero hindi kasi sanay ang mga kababayan natin sa pananahimik ni Kris, lalo na sa pinagpipistahang isyu ngayon, direktang kalaban ng kanilang pamilya ang tinutuligsang pulitiko ngayon.

Baka naman isang araw ay hindi rin makapagpigil ang aktres-TV host, si Kris Aquino pa, punumpuno siya ng sorpresa!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending