Babala: TV host-actor ipapahamak ng sumbungerang dyowa | Bandera

Babala: TV host-actor ipapahamak ng sumbungerang dyowa

Cristy Fermin - November 18, 2016 - 01:00 PM

BLIND ITEM 0430KAPAG hindi nagbago ang temperamento ng isang aktor-TV host ay siguradong sa kulungan ang kanyang bagsak.

Mabilis kasing uminit ang kanyang ulo, agad-agad siyang gumagawa ng mga aksiyong hindi muna niya pinag-iisipang mabuti, kaya madalas siyang malagay sa indulto.

Hindi lang lumalabas ang maraming kuwento dahil sa pakiusap ng kanilang mga bossing, pero marami nang insidenteng kinasasangkutan ang male personality, ang lahat ng ‘yun ay dahil sa sobrang init ng kanyang ulo.

Kuwento ng isang source, “Wala siyang alam sa maximum tolerance, wala sa vocabulary niya ‘yun, masyado siyang mainipin! Agad-agad ang gusto niya, siya ang palaging nasusunod,” sabi ng impormante.

Bukod sa sobrang pagiging mainipin ay kayang-kayang paikutin ng isang babae lang ang kanyang mundo. Isang salita lang ng girl, wala nang isip-isip ang male personality, agad-agad na siyang gagawa ng hakbang na pagsisisihan niya sa bandang huli.

Balik-kuwento ng source, “Ano nga kaya ang ipinakain sa kanya ng babaeng ‘yun at kulang na lang na luhuran at sambahin niya? Sobra siyang naniniwala sa girl, may sabihin lang sa kanya ang babae, naniniwala na agad siya!

“E, ang dami-dami pa namang babaeng sumbungera! Mga feeling! Kinikilig sila kapag ipinagtatanggol ng boyfriend nila! Tulad din ng girlfriend ng actor-TV host na ‘yun!

“Inuutus-utusan na nga niya kapag magkasama sila, mistula na ngang PA niya ang BF niya, ilalagay pa sa gulo? Konting kibot lang, nakasumbong na agad sa guy, gusto yata niya talagang makitang isang araw, e, binubugbog ang BF niya hanggang sa magkabali-bali ang mga buto!

“Naku, calling-calling Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday. Kilalang-kilala n’yo ang mga bumibida sa kuwentong ito. Nakakalokah sila!” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending