Jak Roberto dumami ang raket dahil sa paghuhubad
NAGAMIT ni Kapuso hunk Jak Roberto nang bonggang-bongga ang kanyang katawan para mas mapabilis ang pagsikat – kilala na siya ngayon bilang “Pambansang Abs.”
Biglang umingay ang pangalan ni Jak, lalo na sa social media, dahil sa kanyang 8-pack abs. Una siyang nakilala sa gag show ng GMA na Bubble Gang dahil palagi siyang nakahubad sa kanyang mga eksena.
Ayon kay Jak Roberto dahil kanyang abs at muscles ay dumami bigla ang mga raket niya. Bukod sa Bubble Gang ay nakapag-guest din siya sa Sunday PinaSaya at iba pang programa ng GMA kabilang na ang weekly comedy anthology na Dear Uge ni Eugene Domingo.
“Blessing in disguise po talaga. Hindi ko in-expect na maa-appreciate po nila yung abs, na gusto po nila ng abs. Dati naman po meron, pero hindi nila napapansin!” sey ng binata nang makachika namin at iba pang members ng press sa 21st anniversary presscon ng Bubble Gang na may temang “21 Gang Salute.”
Pati nga mga kasamahan niya sa BG ay tinutukso siya sa presscon, naghiyawan pa ang mga ito nang tawagin ang pangalan niya sa presscon sabay sigaw ng, “Abs ng Bayan.”
Wala rin daw problema kay Jak kung palagi na lang nakabilad ang hubad niyang katawan sa mga programa ng GMA, “Sabi nga po nila, when you have it, flaunt it. Dahil po doon, nabibigyan naman po ako ng work. Trabaho po ‘yon, aktor naman ako, so okay lang.”
Ano’ng feeling na mas unang napapansin ang abs niya kesa sa mukha niya at sa kanyang akting? “Sa akin naman po, darating naman po talaga ang time na mapapakita ko ang talent ko. So, sa ngayon, okay lang na abs muna habang hot pa yung pandesal.”
Wish ni Jak sana raw sa 2017 ay mapansin na ng mga manonood ang kanyang akting, “Yun nga po, may surprise this coming year. Feeling ko po mababali po roon sa pagta-topless.
“Pero wala naman po akong problem doon. Masaya po na naa-appreciate nila ang abs bilang mahirap din po ang mag-workout, mag-maintain,” sey pa ng utol ni Sanya Lopez na umaariba naman ngayon bilang Sang’gre Danaya sa telefantasyang Encantadia ng GMA 7.
Samantala, speaking of Bubble Gang, magkakaroon ng two-part TV special ang longest running gag show sa bansa darating na Nov. 25 at Dec. 2, as it pays tribute to 21 comedic gems of Philippine cinema and television by performing some of their famous sketches and scenes dubbed as “21 GANG Salute”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.