Sikat na singer-actor masahol pa sa surot at doberman | Bandera

Sikat na singer-actor masahol pa sa surot at doberman

Cristy Fermin - November 16, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM 0715

 

KUNDI surot ay doberman ang tawag ng kanyang mga katrabaho sa isang singer-actor. May basehan ang ganu’ng bansag sa male personality, palagi kasi siyang nakadikit, kundi man nakabuntot sa kanyang girlfriend na young actress.

May mga naaawa rin sa kanya dahil para siyang PA ng kanyang karelasyon. Siya ang tagadala ng mga kagamitan ng babae kapag may taping at pictorial, talagang PA na PA ang kanyang dating, pero okey lang sa kanya ‘yun.

Nu’ng minsang nag-rehearse ang girl para sa isang variety show ay nandu’n lang sa isang tabi ang singer-actor. Nakabantay lang, pinanonood ang kanyang girlfriend habang nag-eensayong sumayaw, para siyang doberman sabi ng kanyang mga kasamahan.

Kuwento ng aming source, “’Yun siya, e! Gustung-gusto niyang palaging nakabuntot sa girlfriend niya, palagi siyang umeeksena, kaya surot ang tawag sa kanya.

“Busy rin naman siya, marami rin siyang trabaho, pero nakagagawa siya ng paraan na makabuntot pa rin sa girlfriend niya kahit saan magpunta ang girl!

“Proud na proud naman ang hitad dahil ayaw raw siyang mahirapan ng boyfriend niya, ayaw siyang napapagod, kaya ang guy na ang nagbubuhat ng lahat ng stuff niya,” nalolokang kuwento ng aming impormante.

May mga naniniwala rin na sobrang seloso ang singer-actor dahil nu’ng minsang may nag-alok sa girl na ito na ang magdadala ng kanyang mga kagamitan sa kotse ay umalma ang male personality.

“Nagalit siya! Bakit daw kailangang iba ang magbuhat ng mga gamit ng girlfriend niya, ano raw ang karapatan ng lalaking ‘yun na nagmamagandnag-loob lang naman? O, di siya na! Siya na ang magpaka-PA sa girlfriend niya!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino ang singer-actor na itey, wanna but watch, Joe?” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending