Disability claim mula sa SSS | Bandera

Disability claim mula sa SSS

Liza Soriano - November 16, 2016 - 12:10 AM

Good day po! Ask ko lang kung pwede ba ma-approve for partial disability ang diabetic at may sakit sa baga although nag-undergo na ako ng six-month treatment. SSS member ako as voluntary. Nag-apply ako last May pa pero until now ay wala pang malinaw na sagot ang SSS. Thanks po!
Maria Liza Lim, Quezon City.

REPLY: Ito ay tungkol sa inyong email hinggil sa katanungan ni B. Maria Liza Lim ng Quezon City ukol sa kanyang disability claim.

Hindi po nasabi ni B. Lim sa kanyang liham kung saang sangay ng SSS siya nag-file ng disability claim. Kailangan sana namin ito para ma-verify namin nang maayos ang kanyang claim. Para sa kanyang kaalaman, susuriin ng Medical Evaluation Section ng SSS ang kanyang sakit o sanhi ng kanyang kapansanan upang malaman kung siya ay kwalipikadong mabigyan ng disablity benefit.

Ang disability benefit ay benepisyong ipinagkakaloob ng SSS sa mga miyembrong nabalda, maging ito man ay partial o total disability. Buwanang pensyon ang ipinagkakaloob sa miyembrong nagkaroon ng kapasanan. Kailangan ay nakapaghulog ng hindi bababa sa 36 buwanang kontribusyon sa SSS bago ang semestre ng pagkabalda. Samantala, lump sum amount naman ang ipinagkakaloob sa mga miyembro na kulang sa 36 huwanang kontribusyon ang naihulog.

Iminumungkahi namin sa kanya na makipag-ugnayan siya sa sangay ng SSS kung saan siya nag-file ng disability claim dahil ito ang magpoproseso at mag-aapruba ng kanyang disability claim batay na rin sa gagawing pagsusuri ng doktor ng SSS.

Maraming salamat po sa pagkakataon na bigyan ng linaw ang bagay na ito.
Salamat po.
Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
Social Security Officer IV
SSS Media Affairs
Department
Noted:
Ma. Luisa P. Sebastian
Assistan t Vioce President

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending