Kris tinawag na queen of all sablay; dapat humingi ng mga tips kay Sarah
“MABUTI pa si Sarah Geronimo…” sey ng mga netizen, na kahit daw pansamantalang nagbakasyon sa showbiz ay bongga namang nakatanggap ng award bilang Best Asian Performer sa 2016 Classic Rock Awards na ginanap sa Ryogoku Kokugikan Stadium, Tokyo, Japan.
Take note na higit din daw na libo-libong mga lahi from everywhere ang nakasaksi nito kaya’t pagpapatunay lang na hindi kailangan ni Sarah ang magpaka-trying hard at magpa-press release nang bonggang-bongga gaya ni Kris Aquino.
Yes, kumpara nga daw kay Kris na nasanay nang laging inuunahan ang balita, simpleng pagpapakita ng kababaang-loob lang ang taglay ni Sarah at hinahayaan na lang nitong ang madlang pipol ang pumuri sa kanya.
Akala yata ni Kris porke’t nagkaroon na siya ng ilang positibong balita lately at napag-uusapan uli, eh gaya pa rin siya ng dati. Natawa nga kami sa sinabi ng isang basher ni Kris, binansagan kasi nitong Queen of all Sablay dahil sa sunud-sunod na kanegahang kuwento tungkol sa kanya.
At nagpapayat at nagpaseksi pa raw ang hitad ng lagay na iyan. Ha-hahahaha! Pwede siguro siyang humingi ng tips kay Sarah pagdating sa pagkakaroon ng simpleng career – pero rock!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.