Palasyo itinangging inisnab si Kris Aquino ni Pangulong Duterte
ITINANGGI ng Palasyo na inisnab ni Pangulong Rodrigo Duterte si Kris Aquino matapos hindi siputin ang nakatakdang panayam sa kanya noong Biyernes ng hapon sa harap naman ng magkakaibang dahilan na ibinigay ng Malacanang.
Sa isang panayam, hindi naman direktang masabi ni Communications Secretary Martin Andanar ang totoong rason ng pagkabigo ni Duterte na makapunta sa panayam ni Kris.
“So there was really no intention to snub Kris Aquino. The whole force of the government supporting the program, then you just read between the lines, that it is supported by the government,” sabi ni Andanar.
Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na may migraine si Duterte kayat hindi makakadalo sa panayam ni Kris, bagamat sumipot ang pangulo sa kanyang nakatakdang iskedyul noong Biyernes ng gabi kung saan humingi pa siya ng paumanhin sa pagiging late dahil sa bundok pa umano siya galing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.