Aktres walang paki sa kapwa artista at mga reporter; tinawag na ‘Mema Queen’ | Bandera

Aktres walang paki sa kapwa artista at mga reporter; tinawag na ‘Mema Queen’

Cristy Fermin - November 12, 2016 - 12:30 AM

BLIND ITEM FEMALE 0903

KILALANG-KILALA sa kawalan ng PR nu’n ang isang aktres na karelasyon ngayon ng isang popular na aktor. Walang pakialam ang female personality sa kanyang mga kasamahang artista maging sa mga reporter.

Nakakatawa nga dahil palagi pang palpak ang kanyang mga atake, mali-mali ang kanyang mga sinasabi, halatang may masabi na lang siya.

Kuwento ng aming source, “Ewan kung bakit ganu’n siya, wala siyang pakialam, wala yatang nagtuturo sa kanya ng magandang PR. Parang may sariling mundo kasi ang babaeng ‘yun!

“Minsan, e, napadaan siya sa isang grupo ng mga reporters, hindi siya namansin, diretso lang siya. Nu’ng may magsabi sa kanya na mga reporters ang nadaanan niya, e, bumawi siya, bumalik ang girl!

“Ang sabi niya, e, pasensiya na raw, sobrang puyat daw kasi siya, umaga na raw siyang na-pack-up, kaya parang naglalakad siya nang wala sa sarili niya.

“Natawa na lang ang mga reporters sa mga kadramahan niya, alam naman kasi nilang hindi totoo ‘yun, mema ang tawag nila sa girl na ang ibig sabihin, e, me masabi lang,” kuwento ng aming impormante.
Nu’ng minsan naman ay binati ng aktres ang isang production staff ng kanilang programa, kalalabas lang nito sa ospital, kaya malaki ang ipinangayayat.

“May nagsabi lang sa kanya na bumati, ang totoo, e, deadma lang siya. Sabi niya sa production staff, ‘Ate, gumaganda na po ang katawan n’yo, medyo mataba na kayo ngayon!’

“Nakakaloka ang balik sa kanya ng staff, ‘Ano ka ba? Kalalabas ko nga lang ng ospital, bumagsak ang katawan ko!’ Mema lang kasi, me masabi lang!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, turuan sana siya ng boyfriend niya ngayon tungkol sa magandang PR! Maganda ang PR ng boyfriend niya, masyado lang patola!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending