Resbak ni Oyo Boy: Gusto mo yatang maging Sotto, e! Laki ng inggit mo! | Bandera

Resbak ni Oyo Boy: Gusto mo yatang maging Sotto, e! Laki ng inggit mo!

Ervin Santiago - November 11, 2016 - 12:50 AM

KRISTINE HERMOSA AT OYO BOY SOTTO

KRISTINE HERMOSA AT OYO BOY SOTTO

NIRESBAKAN ni Oyo Sotto ang isang netizen na nagpapakalat ng malilisyong balita tungkol sa kanyang pamilya, lalung-lalo na sa misis niyang si Kristine Hermosa.

May isang basher kasi na nag-comment sa isang Instagram post ni Kristine na nagsabing hanggang ngayon ay umaasa pa rin si Oyo sa kanyang tatay na si Vic Sotto.

Kung wala raw siguro si Vic ay hindi rin daw sasagana ang buhay nila lalo na raw ngayong apat na ang kanilang anak. Kapapanganak pa lang ni Tintin at isinunod nga nila ang pangalan nito kay Bossing (Marvic Valentin Sotto II).

Ayon sa isang IG user na may handle name na @darlingangellove, hindi naman daw mabubuhay ng marangya sina Oyo kundi dahil sa yaman ng kanyang tatay. Nang mabasa ito ng Kapuso actor, agad niyang sinabot ang basher.

“Wala ka naman alam sa buhay ko. Ang alam mo lang puro bali-balita sa media. Anyway, wag ka mainggit ulit. Kasi kitang kita na kapangitan mo.

“Baka gusto mo mag paampon? Gusto mo ata maging Sotto eh. Laki ng inggit mo,” pahabol pa ng aktor.

Nagsimula ang sagutan ni Oyo at ng basher sa Instagram nang mag-post si Kristine ng litrato ng bunso nilang anak ni Oyo habang kalong ni Bossing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending