MMFF classic movie posters gagawing mural painting sa EDSA
BAGO magsimula ang Metro Manila Film Festival 2024 sa darating na December, marami munang pasabog na dapat abangan ang sambayanang Pilipino.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 50th anniversary ng MMFF this year, magkakaroon ng mga exciting at makabuluhang activities ang Metro Manila Development Authority (MMDA).
Kabilang na nga riyan ang pagkakaroon ng mural paintings sa kahabaan ng EDSA tampok ang mga classic film posters na naging official entry sa mga nakaraang MMFF.
Nitong nagdaang Huwebes, August 15, ay nagkaroon na ng MOA signing ang iAcademy at MMDA para sa nasabing proyekto. Present siyempre si MMDA Chairman Romando Artes at ang iAcademy President/CDO na si Raquel Wong.
Ayon kay Chairman Artes, mahigit 2,000 estudyante ng iAcademy ang makikilahok sa pagpinta ng mga classic movie posters ng previous MMFF entries sa ilang bahagi ng EDSA.
Baka Bet Mo: Maynila napiling host para sa MMFF 2024, mga paghahanda ikinakasa na
Swak na swak ito para sa pagpo-promote ng MMFF 50th edition under the theme “Sine-Sigla sa Singkwenta.”
“Ang proyektong ito ay hindi lang pagpapaganda ng walls sa EDSA sa pamamagitan ng art works para sa advocacy ng MMDA na mapaganda ang City, at the same time ay para mai-promote ang 50th anniversary ng MMFF ngayong taon.
“Iyan ay sa pamamagitan nga ng pagpipinta sa wall ng EDSA ng mga lumang posters ng mga past classic movie na kasali sa MMFF na nakita sa mga sinehan noon,” ani Chairman Artes.
“This program of MMDA really symbolizes our shed commitment and using creatively to enhance public spaces and the artworks of our students will showcase not only their skills to the Filipino life, community and the creativity that Filipino creatives really manifest.
“So we hope, and we’re excited to show that at least our personal, inspire and remind everyone that our creative collaborations in shaping urban environment. We’re very, very excited to MMDA for these trust to us,” ang pahayag naman ni Raquel Wong.
Ayon pa kay Artes, magsisimulang magpinta ang mga iAcademy student sa September 10, 2024 at inaasahang matatapos bago ang pagsisimula ng MMFF 2024 sa December.
Kamakailan, ibinandera ng MMDA at MMFF ang unang limang pelikula na pumasok sa Top 10 ng ika-50 taon ng taunang filmfest.
Pasok ang “And the Breadwinner Is…” ni Vice Ganda, “Green Bones” ni Dennis Trillo, “Strange Frequencies: Haunted Hospital” ni Enrique Gil, “Himala: Isang Musikal” nina Bituin Escalante at Aicelle Santos at “The Kingdom” nina Vic Sotto at Piolo Pascual.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.