Doble Kara ni Julia reynang-reyna pa rin sa rating
LALO pa ngang kinakapitan ng mga manonood ang mas umiinit na tagpo sa ABS-CBN afternoon series na Doble Kara kaya naman patuloy itong namamayagpag at buong linggo tinalo ang bago nitong katapat na programa sa national TV ratings.
Mula Oct. 31 (Lunes) hanggang Nov. 4 (Friday), nakapagtala ng lima hanggang anim na puntos na lamang ang Kapamilya serye laban sa kalaban nito sa kabilang istasyon, ayon sa datos ng Kantar Media, pinakamataas na agwat noong Huwebes (Nov. 3), kung saan nakakuha ang Doble Kara ng 17.6% kumpara sa 11.3% ng kalabang palabas.
Gumagamit ang Kantar Media ng 2,610 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa sa pangangalap nito ng datos. Mas marami at eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks.
At sa pagpapatuloy ng kuwento, isang plano ang isakatuturapan ni Sara (Julia Montes) upang makatakas mula sa kulungan at mailayo sa kapahamakan ang kanyang anak na si Becca at ang pamilya nito. Ngunit hindi magiging madali para sa kanya ang daan ng kalayaan sa panganib na nagbabadya sa kanyang iligal na paglaya.
Mapagtagumpayan kaya ni Sara ang kanyang plano? Ano kayang kapahamakan ang naghihintay sa kanya?
Huwag palampasin ang nangungunang Kapamilya afternoon series na Doble Kara, tuwing hapon pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.