Invitational conference ibabalik ng PBA
IBABALIK ng Philippine Basketball Association (PBA) ang Invitational Conference sa 2016-17 season na kakikitaan ng 6-foot-10 imports.
Isa ito sa bagong inobasyon na nais ng bagong upo na PBA chairman Mikee Romero at commissioner Chito Narvasa para mas mapalawak pa ang fan base at ma-level-up ito bilang isa sa nangungunang Asian pro tournament.
“This is one new dimension,” sabi ni Romero sa pagtatapos ng 5-day annual PBA planning session sa The Plaza sa Seoul, South Korea kung saan napagpasayahang wala nang handicapping sa mga reinforcement tulad ng Commissioner’s Cup na may height ceiling na 6-foot-5.
Sinabi ni Romero, ang GlobalPort team owner at representante ng 1Pacman party list sa Kongreso, na nasa radar ng liga ang mga top club teams ng South Korea, Lebanon at Iran.
Kabilang sa mga naghari sa invitational tournament ng PBA ang Toyota sa pag-sweep sa Emtex Brazil, 3-0, noong 1977; Toyota laban sa Tanduay, 3-1, noong 1978; Toyota kontra sa Crispa, 3-1, noong 1979; Nicholas Stoodley-USA sa pagwalis sa Toyota, 2-0, at kung saan third placer ang Adidas France noong 1980; San Miguel sa 2-1 panalo kontra Crispa at tumersera ang isang South Korean squad noong 1982; Great Taste sa pag-alpas sa Crispa, 3-2, noong 1984; at Alaska na 2-1 winner sa Coca-Cola noong 2003 na rito’y nabigong makasulong sa Final Four ang KK Novi Sad Yugoslavia na may 1-3 win-loss record lang at ang mga kapwa walang naipanalo sa apat na laro na Yonsei University Korea at Magnolia Jilin China.
Mag-uumpisa naman ang bakbakan sa 2016-17 Philippine Cup sa Nobyembre 20 sa Smart Araneta Coliseum kung saan makakaharap ng NLEX Road Warriors, na hahawakan ni coach Yeng Guiao, ang Star Hotdogs, na trangkado nina coach Chito Victolero at superstar playmaker Paul Lee, na nakuha nito buhat sa trade mula Rain or Shine Elasto Painters.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.