Matteo niligawan si Sarah sa makalumang paraan: Hinarana ko siya!
NAG-CELEBERATE ng three years anniversary sina Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli as a couple. Nakakalokang malaman kung paano niligawan ni Matteo ang dalaga.
One Facebook fan page revealed how the hunk athlete-actor courted Sarah Geronimo, “Niligawan ko siya through the old-fashioned way. Hinarana ko siya,” say ni Matteo.
“Wala pa ako sa showbiz ay crush ko na si Sarah. She is everything to what I am looking for sa isang babae. She is thoughtful at hindi sel-fish at mapagmahal na anak. Higit sa lahat minahal ko siyang lalo because of her honesty,” dagdag pa ng binata.
Hindi ba’t nakakatuwang malaman na Matteo did court Sarah the old way? Bihira na ang ganyang binata ngayon. Kadalasan kasi, sa kalye o sa mga bars na lang nangyayari ang ligawa. O di kaya ay sa text na lang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.