Anak di pa deklarado sa PhilHealth, may habol pa ba?
Magandang araw. Ako si Michael Sandoval ng Antipolo City. Ang anak ko ay 2 years old pa lamang subalit hindi kami kasal ng kanyang ina. Nagkasakit siya nitong nakaraang linggo. Dumulog ako sa aming opisina at ang sabi ay hindi daw covered ang anak ko ng Philhealth dahil hindi raw ako nagsubmit ng birth certificate ng anak ko at hindi raw ako nag-sign para ma-update ang record ko sa PhilHealth. Maaari ko pa bang mahabol ang PhilHealth ko para magamit ng anak ko? Ano ang dapat kong gawin?
REPLY: Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Nais po naming ipabatid na upang makapag-avail ng PhilHealth benefits, dapat po ay nakadeklara ang inyong anak bilang inyong kwalipikadong dependent. Mag-fill up lamang ng PMRF at ipasa ito sa mga PhilHealth Local Health Insurance Offices (LHIO) o PhilHealth Express kalakip ang kopya ng Birth Certificate ng inyong anak upang maiupdate ang inyong rekord.
Kung ang inyong anak ay nadischarge na sa ospital, maaari po kayong mag-direct file ng inyong claim documents. Isumite lamang ang mga sumusunod na claim documents sa kahit saang PhilHealth Local Health Insurance Offices (LHIO):
To be provided by member:
Claim Form 1 (CF1)
Member Data Record (MDR)
Proof of Contribution
Official Receipt and Statement of account
Motion for Reconsideration (letter of appeal)
To be secured from the hospital
Claim Form 2 (CF2)
Waiver from hospital and doctors
For other concerns and further queries, you may e-mail us again or call our action center hotline at 441-7442.
For more information and other updates, please visit our website at www.philhealth.gov.ph
Salamat po.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.