Jaclyn Jose walang kabilib-bilib kay Jake bilang tatay ni Ellie; gaya-gaya lang daw Bandera

Jaclyn Jose walang kabilib-bilib kay Jake bilang tatay ni Ellie; gaya-gaya lang daw

Cristy Fermin |November 05,2016
share this

Jaclyn Jose walang kabilib-bilib kay Jake bilang tatay ni Ellie; gaya-gaya lang daw

Cristy Fermin - November 05, 2016 - 12:15 AM

jaclyn jose at jake ejercito

MAXIMUM tolerance daw ang kailangang pairalin ni Jake Ejercito sa madalas na pakikisawsaw ni Jaclyn Jose sa kanyang mga social media posts.

Maraming nakakapansin na masyadong nakatutok ang atensiyon ng premyadong aktres sa mga komentong inilalabas ni Jake tungkol sa kanila ng kanyang anak na si Ellie.

Kapag may magandang komento ang binatang-ama ay asahan nang may pangkontra si Jaclyn, hinihigitan nito ang mga sinasabi ni Jake, parang nakikipagkumpetensiya ang aktres sa ama ng kanyang apo.

Sana’y pabayaan na lang ni Jaclyn ang paglalabas ng emosyon ni Jake, nakakaasiwa ang kanyang mga sinasabi, halatang-halata na ayaw nitong bahaginan ng kredito si Jake bilang ama ni Ellie.

Wala namang ginagawang masama ‘yung tao, gusto lang niyang ipaalam sa publiko kung gaano niya kamahal ang anak nila ni Andi, pero nagiging balat-sibuyas si Jaclyn.

Mas maraming nagmamahal sa bata ay mas maganda, mas maraming nagbibigay ng atensiyon sa bata ay mas makabubuti, lalo na’t ngayon pa lang naman nakakapagpahayag ng pagmamahal si Jake Ejercito sa kanyang anak.

Gawin bang kumpetisyon ang pagmamahal kay Ellie? Tawagin bang manggagaya lang ang ama ng bata? Parang wala na sa riles ng katwiran ang mga ginagawa ni Jaclyn Jose.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending