BINARIL sa leeg at dibdib ang binata habang naglalakad sa Brgy. Duljo-Fatima, Cebu City, ala-1 ng umaga kahapon.
Ayon sa pulisya, dalawa ang tinitingnan nilang motibo sa pagpatay kay Jerry Boy Carten. Maaari umano itong sangkot sa love triangle o sa droga.
Naglalakad si Carten sa Carloc st. nang lapitan at barilin ng lalaking naka-helmet sa kanto ng Spoliarium st.
Nakatakbo pa ang biktima bago ito nalagutan ng hininga, ayon sa mga saksi.
Inamin ng tatay ng biktima na sangkot ang anak sa droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending