Ikatlong sunod na panalo puntirya ng Petron | Bandera

Ikatlong sunod na panalo puntirya ng Petron

Angelito Oredo |November 03,2016
facebook
share this

Ikatlong sunod na panalo puntirya ng Petron

Angelito Oredo - November 03, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
3 p.m. Foton vs Generika
5 p.m. F2 Logistics vs Cignal
7 p.m. RC Cola vs Petron
Team Standings: Petron (2-0); Foton (1-0); RC Cola-Army (1-0); Generika (0-2); F2 Logistics (0-2); Cignal (0-0)

TATANGKAIN ng 2014 Grand Prix Petron Tri-Activ Spikers na mauwi ang ikatlong sunod na panalo sa pagsagupa nito ngayong hapon sa kumpletong RC Cola Lady Army Troopers sa tampok na laro sa pagbabalik ng 2016 Asics Philippine Super Lga (PSL) Grand Prix kasalo ang PLDT Home Ultera sa The Arena sa San Juan City.

Unang magsasagupa ang  2015 Grand Prix champion Foton Tornadoes at Generika Lifesavers ganap na alas-3 ng hapon bago sundan ng sagupaan ng 2016 All-Filipino Conference champion F2 Logistics Cargo Movers at nagpalakas na Cignal HD Spikers sa ganap na alas-5 ng hapon.

Huling maghaharap ang Petron, na agad sinolo ang liderato sa itinalang dalawang sunod na panalo, at ang RC Cola, na nasa ikalawang puwesto kasalo ang Foton na may tig-isang panalo, sa ganap na alas-7 ng gabi.

Inaasahang babangon ang Cargo Movers sa dalawang sunod nitong nalasap na kabiguan sa pagdating ng isa sa dalawa nitong import na si Hayley Dora Spelman na makakatulong ang kapwa nito miyembro ng United States national juniors volleyball team na si Sydney Kemper.

Hindi nakalaro si Spelman, na matatandaang nagpakitang gilas sa pangunguna sa Altay VC ng Kazakhstan sa ginanap na AVC Asian Women’s Club Championship sa Alonte Sports Arena sa Biñan City, sa dalawang laro ng Cargo Movers dahil sa pagkampanya nito sa kinaaanibang internasyonal na koponan.
Huling nabigo ang Cargo Movers sa nakasagupa nitong Petron, 17- 25, 22-25, 19-25.

Pilit naman susundan ng Foton ang itinala nitong tatlong set na panalo kontra F2 Logistics, 25-18 25-20, 25-15, sa pagsagupa nito sa nagpalakas na Cignal na pamumunuan ni Rio Olympics veteran Lynda Morales ng Puerto Rico at 6-foot-5 Laura Schaudt mula sa USA.

Magbabalik din sa Cignal ang pinakaunang MVP ng liga at dating national player na si Venus Bernal upang samahan sina Paneng Mercado, Janine Marciano at Filipino-American setter na si Shawna-Lei Santos sa koponan na isa sa kinukunsiderang magkakampeon sa torneo.

Nagawa rin magwagi ng RC Cola-Army kahit hindi kasama si Rachel Anne Daquis matapos itakas ang 25-17, 23-25, 25-15, 25-19 panalo kontra Generika para sa una nitong panalo sa torneo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending