Male star bobo pa ring umarte kaya walang proyekto; ayaw makatrabaho ng mga direktor
MUKHANG inaalat na talaga ang career ng isang hunk actor. Maraming nagsasabi na kailangan na niyang magpahinga sa pag-arte, magnegosyo na lang dapat siya, tutal naman ay palagi siyang nagiging cause of delay sa mga proyektong ginagawa niya.
Wala nang pader na sinasandalan ngayon ang hunk actor, wala na ang taong nakikipagpatayan para mapunta sa kanya ang magagandang papel sa teleserye, tapos na ang kanyang panahon.
“Kinuha siya nu’ng minsan sa isang TV network, di ba? Pero ano ang nangyari? Pinatay rin agad ang role niya dahil malapit nang agasan ang direktor nila.
“Hindi siya makaarte nang wasto, palagi siyang take 5, pinakamagandang take na niya ang dalawang beses na pagtunog ng clapper.
“Dahil palaging ganu’n, kinausap na ng direktor at ng production staff ang writer, pinaigsi na lang ang role niya, para makatipid sila sa oras at gastos.
“Ewan nga ba kung bakit sa tagal na niyang umaarte, e, parang wala pa rin siyang natututuhan! Pinag-iwanan na siya ng mga kasabayan niyang aktor.
“Nagbibida na sila, ilang ulit nang palaging bida, pero ang aktor na itey, e, palagi pa ring sahog lang sa istorya! Ano ito?” napapailing na kuwento ng aming impormante.
Kailan lang ay nagpunta siya sa isang kilalang ehekutibo ng isang malaking network. Namamalakaya siya ng trabaho. Kailangan niyang sumailalim sa audition dahil ganu’n na ang proseso ngayon para mapili ang gaganap sa kanilang mga serye.
Pagtatapos ng aming source, “Ayaw niya! Hindi siya nagpa-audition, tanggi-to-the-max siya, dahil hindi na raw siya baguhan! May napatunayan na raw siya, kaya bakit pa siya kailangang dumaan sa audition?
“Wala siyang work ngayon, gym lang siya nang gym, ewan lang kung sinasabayan din niya ‘yun ng pagda-diet!”
Hala, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak na getlak n’yo na dapat kung sino ang hamonadong aktor na itey!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.