Aljur, Kylie nag-date sa Japan, nagkabalikan na?
MAGKASAMA pala ang ex couple na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa Japan nitong nakaraang long weekend. Kumalat sa social media ang litrato ng dalawa na in-upload mismo ni Aljur sa kanyang Instagram account.
Kaya ang tanong ng kanilang followers sa IG ay kung nagkabalikan na sila. Walang detalyeng inilagay si Aljur sa caption na ipinost niya sa IG maliban sa hashtag na #shimokitazawa na isang kilalang commercial district sa Setagaya, Japan.
Sa IG message naman ni Kylie na halos kasunod ng post ni Aljur ay ito ang nabasa namin, “The comfort on your shoulder what I’ve always wanted.”
So, wait na lang tayo kung ano ang susunod na kabanata sa balitang pagbabalikan ng dalawang Kapuso stars.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.