Sarah balik-trabaho matapos magpakaligaya kasama si Matteo
ALIVE and kicking na uli si Sarah Geronimo! Balik-concert scene ang Pop Star Royalty matapos magpahinga ng ilang buwan.
But this time, enough muna sa big venues si Sarah, ang KIA Theater naman ang kanyang pagtatanghalan sa darating na November.
Hindi na isyu para sa singer-actress kung mapupuno niya o hindi ang nasabing concert venue, dahil ang mahalaga ay muli niyang mapaligaya ang mga Popsters sa pamamagitan ng kanyang musika.
Ngayong napagbigyan na niya ang luhong bakasyon, career naman ang dapat pagtuunan ng sentro ni Sarah. After all, mukhang secured na secured na ang lovelife niya, with Matteo Guidicelli around, huh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.