Unang qualifying race ng Ronda Pilipinas 2017 gagawin sa Nobyembre 6 | Bandera

Unang qualifying race ng Ronda Pilipinas 2017 gagawin sa Nobyembre 6

- October 30, 2016 - 01:00 AM

AARANGKADA ang una sa dalawang qualifying races ng LBC Ronda Pilipinas 2017 sa Nobyembre 6 sa paglarga ng LBC Giro de Pilipinas sa Subic Bay.

Tatlumpung riders ang may tsansang makalahok sa pinakamalaking cycling event sa Pilipinas na mag-uumpisa sa Ilocos region sa Pebrero 4, 2017 at magtatapos sa Marso 4, 2017 sa Iloilo City.

“The top 30 cyclists in the LBC Ronda Pilipinas Subic qualifying race will make it to the main Ronda event in February next year,” sabi ni Jingo Hervas na magsisilbing LBC Ronda Pilipinas race director sa ikalawang sunod na taon.

Dagdag pa ni Hervas na ang mga siklistang bigong makapag-qualify sa Subic ay maaari pang sumali sa isa pang qualifying race na gaganapin sa Bacolod City sa Disyembre 4 sa Dans 360 Beynte bike event.

Makakalaban ng 60 qualifiers ang humigit-kumulang 50 riders sa awtomatiko nang may slot sa LBC Ronda Pilipinas 2017. Gayunman, pinaaalahanan pa rin ni Hervas na kailangan pa ring magparehistro ng mga ito para pormal na makakuha ng slot para sa LBC Ronda Pilipinas 2017.

“Those who are automatically in, they should claim their slots by registering,” aniya.

Ang 12-stage LBC Ronda Pilipinas 2017 ay may nakalaang premyo na aabot sa P1 milyon mula sa presentor nitong LBC at mga major sponsors na Mitsubishi, Petron, ASG Group, Dans360 at Donen.

Ito ay may basbas ng PhilCycling na pinamumunuan ni Abraham “Bambol” Tolentino.

Ang mga nais sumali ay puwedeng bumisita sa official Facebook page ng Ronda para i-download ang registration form.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending