Navy skipper Lloyd Lucien Reynante magreretiro sa cycling | Bandera

Navy skipper Lloyd Lucien Reynante magreretiro sa cycling

- February 27, 2017 - 11:00 PM

MATAPOS ang mahigit dalawang dekadang paglahok sa larangan ng cycling ay tuluyan nang itatabi ni Lloyd Lucien Reynante ng Navy-Standard Insurance ang pagsakay sa bisikleta at pagsuot ng cycling jersey.

Inihayag mismo ni Reynante, isa sa pinakapopular na Pilipinong siklista bagaman hindi nakapagwagi maski titulo sa Ronda Pilipinas at iba pang Tour, ang pagreretiro nitong Lunes habang nagpapahinga sa loob ng isang linggo ang LBC Ronda Pilipinas 2017.

“Kailangan ko na ipahinga ang pagod ko nang katawan sa karera. Ito na ang huli kong pagsali sa Ronda,” sabi ng 38-anyos na si Reynante.

“I’m blessed beyond belief to have been given this chance to compete against the country’s best in more than 20 years and meeting and working with some great people who supported me, what more can I ask for.”

Si Lloyd, na anak ni dating Marlboro Tour champion Manuel “Maui” Reynante, ay isang seaman second class at nakatakda na rin magretiro sa Navy ngayong Hulyo matapos ang 20 taon sa military service.

Hindi naman nito pinanghihinayangan na hindi naabot ang magwagi sa isang malaking karera tulad ng kanyang namayapang ama na nagwagi sa Marlboro Tour noong 1980.

Sinabi nito na sapat na ang kanyang pagtatapos na ikalawa sa mga  Tour champion na sina Rhyan Tanguilig (2004), Joel Calderon (2009) at Irishman David McCann (2010). Ilang beses din siyang nagtapos sa Top 5 at Top 10 sa mga karerang sinalihan dito at sa labas ng bansa.

“Ako na siguro ang tanging Pilipinong rider na may pinakamaraming second place at ilang beses na humamon sa mga kampeon na nagpaparamdam sa akin na parang ako na rin ang nanalo,” sabi ni Reynante.

Hindi naman tuluyang iiwanan ni Reynante ang cycling dahil ang sunod nitong gagawin ay ang maging coach.

“I’ve been actually coaching Navy-Standard Insurance for years and if they went me to coach them again next year, it will be honor for me to do so. I also have a new team in Bike Extrme,” sabi ni Reynante.

“Pangarap ko din mabigyan ng tsansa na maigng coach ng national team, kung mabibigyan ako ng oportunidad,” sabi pa nito.

Matapos magpahinga ang Ronda ng isang linggo ay magbabalik ito sa krusyal na Stage 12 simula sa Marso 2 sa Guimaras bago ang Stage 13 at 14 sa Marso 3 at 4 sa Iloilo City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinag-aagawan sa Ronda ang premyong P1 milyon na iuuwi ng tatanghaling kampeon mula sa presentor LBC katulong ang MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Partas, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCycling at 3Q Sports Event Management.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending