3 kilalang celebrity nakiisa sa kampanya laban sa dengue
SA #WallAgainstDengue campaign ng Sanofi Pasteur, ang vaccine division ng multinational pharmaceutical company na Sanofi, inamin ni Tintin na tatlong beses nang nabiktima ng dengue noong bata pa siya kaya naman aktibo siya ngayon sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa pag-iwas sa nakamamatay na sakit na ito.
Suporado ni Tintin, kasama ang dalawa pang celebrity advocates ng “Be A Wall” Sanofi Pasteur para sa kanilang vaccination drive against dengue, sina Maricel Laxa-Pangilinan at ang mag-asawang Paolo Abrera at Suzi Entrata-Abrera. Nagsilbi namang resource speaker naman sa event ang president ng Philippine Foundation for Vaccination na si Dr. Lulu Bravo.
Ayon kay Tintin, gusto nilang makatulong sa mga tulad nilang magulang para maiwasan ang dengue sa kanilang pamilya at mga kaanak, “I am a mother of two and I want my kids to be safe from life threatening diseases like dengue.
“Aside from the vector control measures that we have been doing, we really need a new tool that will help us in fighting the epidemic and vaccination is the answer. I encourage other Filipino moms to ask their doctors about dengue vaccination today,” paliwanag ni Tintin.
Nabatid na ang available na anti-dengue vaccine sa bansa ay puwede sa mga nasa edad 9 hanggang 45.
Sey naman ni Maricel Laxa, “As responsible moms, let our voices be heard to raise awareness on dengue and let’s spread the good news that it is now a vaccine preventable disease. Mahirap labanan ang dengue kapag meron ka na, pero pwede natin itong maiwasan through vaccine. Each of us can now be a wall against this killer disease.”
Anywway, natanong si Tintin kung sasabihan niya rin sina Alden at Maine na magpa-vaccine kontra sa dengue, “Yes, kapag nakita ko sila ulit, kakausapin ko sila. Una, pareho kami nina Maine at Alden na active sa Red Cross. Una kong tatanungin pag nakita ko sila, anong blood type nila?
“Kasi malay mo magka-blood type pa sila, so blood buddies pala sila. Kapag matched kasi ang kanilang dugo, puwedeng salinan ng dugo ni Alden si Maine or vice versa kapag kinailangan.
“Tsaka dapat talaga magpa-vaccine sila dahil ang dami nilang raket sa probinsya, pati na sa ibang bansa. Kailangang maniguro,” ani Tintin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.