Aktres nagmaldita sa taping, pinagbantaan ng tambay na bubutasin ang gulong ng sasakyan
MULA nu’ng pumasok sa showbiz hanggang ngayon ang isang female personality ay mukhang ayaw niyang pahawakan sa iba niyang mga kasamahang artista ang trono bilang maldita.
Talagang pinanindigan na niya ang pagyakap sa nasabing titulo, maldita pa rin siya at talagang bagay na bagay sa kanya ang pangalang Simang, dahil palagi siyang nakasimangot.
Minsan pang nagpalutang ng kasupladahan ang babaeng personalidad nang mag-taping ang kanyang serye sa isang mataong lugar. Natural, tinatawag ng mga tagaroon ang kanyang pangalan, pero parang walang naririnig ang aktres, deadma lang siya, walang pakialam.
“Bakit siya ganu’n? Ano ba namang kumaway man lang siya o ngumiti sa mga tumatawag sa name niya? Malaking kawalan na ba sa buhay niya ang i-appreciate ang mga taong kumakaway sa kanya?
“Walang pakialam si ____ (pangalan ng malditang young actress), ni hindi nga niya tinitingnan ang mga nandu’n na tumatawag sa kanya, nakasimangot pa ang lokah!
“Hindi pa rin siya nagbabago, feeling na feeling pa rin siya hanggan ngayon, ang feeling niya talaga, e, super-sikat na siyang artista!” naiinis na kuwento ng isang source.
Pagkatapos ng taping ay kalat na kalat na ang kuwento ng kanyang pagmamaldita.
Isang tambay sa lugar ang nagsabi na bubutasin ng tropa nito ang gulong ng kanyang sasakyan, nakarating ‘yun sa hitad na aktres, kaya agad siyang nagsumbong sa mga security ng produksiyon.
Balik-kuwento ng impormante, “Ipina-check niya agad ang mga gulong ng car niya, baka nga naman kasi butas nga ‘yun at maaksidente pa siya pauwi. Buti naman at hindi pala.
“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hanggang ngayon talaga, e, rich na rich pa rin sa kamalditahan ang young actress na ‘yun na feeling very famous na siya!” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.