Muli nanamang nagka-aberya ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 ngayong hapon.
Ala-1:54 ng hapon ng magkaroon ng service interruption ang MRT 3 matapos sanhi ng problema sa signaling system nito.
Ang problema ay nasa south bound lane sa pagitan ng North Ave. station hanggang Santolan Anapolis station.
Alas-2:06 ng hapon ay tuluyan ng pinutol ang operasyon ng tren at nagpatupad ng provisional service operation mula Shaw Boulevard hanggang Taft Ave. station.
Bumalik sa normal ang operasyon alas-3:52 ng hapon.
Kamakalawa ng gabi ay pinababa ang mga pasahero ng MRT sa Boni Ave. station northbound sanhi ng technical problem.
Alas-9:11 ng gabi ay bumalik na sa normal ang operasyon nito.
Noong Linggo ng 9:35 ng gabi ay pinababa ang mga pasahero sa Magallanes station north bound sanhi ng technical problem. Bumalik sa normal ang operasyon matapos ang dalawang minuto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.