Big brother nga ba ang Amerika ng PH? | Bandera

Big brother nga ba ang Amerika ng PH?

Jake Maderazo - October 24, 2016 - 12:15 AM

NAGING mainit na balitaktakan sa print, broadcast at social media ang Duterte visit sa China.
Kanya-kanyang atake at depensa ang iba’t ibang personalidad. Merong galit na galit, merong puring-puri. Pero mas importante, bilad ngayon ang maskara ng mga pro-American legislators, da-ting Cabinet members, businessmen, mediamen at iba pa. Ito’y dahil desperado si Kano ngayon sa suporta ng mga inalagaan nilang mga opisyal.
Ika nga, upakan si Duterte at China para matuwa ang mga amo nilang Amerikano!
Kung ano-anong pag-atake ang ginawa, may nagsasabing babagsak ang ekonomiya, mahihirapan at kawawa ang apat na milyong Pilipinong nasa US ngayon.
Nabili na raw ng China ang Pilipinas sa $24 bilyong projects na dala ni Duterte. Andiyan pa ang pang-aasar na “Goodbye Spam, hello Ma Ling” na.
Kapag ginalit daw ang mga Kano, tapos na si Digong. Tinanggal si Marcos noong 1986 Edsa Revolution at si Erap Estrada noong 2001 nang hindi sumunod kay Clinton na itigil ang paglusob sa MILF camp.
Meron pang nagbabala na mas matindi raw kumontrol ang mga Intsik kesa Amerikano.
Ang mga pro-Duterte at makakaliwa ay tuwang tuwa naman sa ‘independent foreign policy”. Sa higit 100 taong pananatili ng Amerika, puro panlalamang ang ginagawa sa atin.
Nagpautang ng figh-ter jet, walang bala at missile. Nagbenta ng mga barko, puro walang bala at kanyon. Kapag pupunta ka sa Amerika, pipila ka para sa kanilang visa pero pag Amerikano ang pupunta sa Pinas, walang visa.
Minasaker ang mga Muslim sa Mindanao, Waray sa Balangiga Samar at iniwan tayo noong 2nd World War.
At sa $24 bilyong deals sa China, magkakaroon ng dalawang mil-yong bagong trabaho o 10M milyon tao ang makikinabang.
Sa akin, ang ginagawa ni Duterte sa Amerika ay talagang nakakalito – merong tama, merong mali. Tulad ng pagtawag niya kay Putin bilang idolo na tingin ko ay pang-inis lang sa Kano.
Pero ang kanyang “diversified” foreign policy ay malalim at sabi nga, biglang naging importante ang Pilipinas sa mga world powers. Napansin tayong bigla.
“Separation” o hiwalayan lang ang sabi niya pero walang “seve-rance” o pagputol ng relasyon, paliwanag ni Digong.
Sa Tuwid na daan, ang Pilipinas ang ipinapain ng Amerika sa China lalo na sa isyu ng 9-dash line. Todo kontra si ex-PNoy at mistulang ahente ng Kano at Western nations sa pagtuligsa sa China na sinarhan din ang tulong sa atin sa anim na taon.
Maliwanag si Digong na hindi natin isinusuko ang panalo sa Arbitral Tribunal na isang “border dispute”. Tanong niya, gerahin natin o kapayapaan? Ang gusto ng Amerika at Western nations ay gera at walang ayusan.
Ginawa ito ni PNoy pero ganito ba ang gusto ng sambayanan? Hindi ba posible na habang ni-reresolba ay magtulungan muna ang China at Pili-pinas?
Bakit ang Vietnam na may gera at patayan sa China ng isang libong taon sa isa ring “border dispute” ay merong “economic cooperation”?
Ganoon din ang border disputes sa Laos, Burma, at Bangladesh na ngayo’y tinutulungan ng China. Hindi ba’t mas maganda na parehong tumutulong ang Amerika at China? At si Big brother Amerika ay tatabi muna para sa bigyang daan si kapitbahay na China.
Kung talagang mahal tayo ng Amerika, magpaparaya siya. Sasabihin niya, “sige kunin mo ang tulong ng China, lalo’t kapos din ako at baon din sa utang”. Hindi bat ganyan ang totoong kaibigan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending