GMA maaaring maging tulay sa PH-US ties sakaling manalo si Clinton-analyst
SINABI ng isang political analyst na posibleng maging tulay si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para maibalik ang magandang relasyon ng Pilipinas at Amerika sakaling si Democratic candidate Hillary Clinton ang manalo sa eleksiyon ng US sa Nobyembre.
Sinabi ni Prof. Mon Casiple na magiging malaki ang gagampanang tungkulin ni Arroyo para maibalik ang magandang relasyon ng dalawang bansa dahil na rin sa pagiging malapit niya sa mga Clintons
“[Arroyo’s relations with the Clintons] could help [and] it is good kasi ang susi naman sa mga relasyon ay ‘yung may confidence. May trust and confidence ‘yung mga policymakers from both sides kaya nga nagkakaroon ng state visit… Palaging trust ‘yan,” sabi ni Casiple.
Magkaklase si Arroyo at dating US president Bill Clinton sa Georgetown University noong 1960s.
“Arroyo should make communication easier between the Philippines and its longtime ally amid the complexities of foreign affairs,” dagdag ni Casiple.
Nauna nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipagkalas sa US matapos ang kanyang state visit sa China.
“May pwedeng bridge sa communication. ‘Yun ang isang maganda diyan, the message will be clear on both sides,” sabi ni Casiple.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.