Saan yayaman, sa pag-aabroad ba o sa pagnenegosyo? (2) | Bandera

Saan yayaman, sa pag-aabroad ba o sa pagnenegosyo? (2)

Joseph Greenfield - October 23, 2016 - 02:21 PM

Sulat mula kay Consorsia ng San Pedro, Toril, Davao City
Problema:
1. Ako ay isang dating OFW at halos 10 years din ako sa abroad. Sa ngayon ay balak ko ng huminto sa pag-aabroad dahil may konting ipon na akong puhunan. Iniisip kong mag-negosyo na lang
upang hindi na ako malayo sa aking pamilya. Ang problema ayaw po akong paalisin ng aking amo kasi sanay na daw sa akin ang mga bata na inaalagaan ko at isa pa gusto na din ako ng mga bata dahil sa akin sila lumaki.
2. Saan po ba ako higit na yayaman o aasenso, sa pagnenegosyo po ba o ituloy ko na lang ang pamamasukan bilang D.H. sa
aking mga amo na nangako namang wag na lang daw akong umalis ay tataasan pa daw nila ang aking suweldo. October 14, 1970 ang birthday ko.
Umaasa,
Consorsia ng Toril, Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ay nagsasabing kung ikaw ay isang babaing medyo chubby o mataba, tulad ng nasabi na Cartomancy Palmistry sa aspetong pang-materyal kahit pag-aabroad o pagnenegosyo ang gawin mo, siguradong tuloy-tuloy kang uunlad at aasenso.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing kahit na ano ang iyong ginagawa, negosyo, pag-aabroad basta’t lagi ka lang may ginagawa, walang mintis, tuloy-tuloy kang makaka-ipon ng malaking halaga, at ang dulong hantungan ng mga taong ipinanganak sa petsang 14 na tulad mo ay ang yumaman.
Luscher Color Test:
Sa pag-aaboad o sa pagnenegosyo man upang mapanatili ang pag-unlad ugaliing gumamit lagi ng kulay na pula, silver at gray. Ang nasabing mga kulay ang lalo pang magpapayaman at magpapaligaya sa inyong karanasan.
Huling payo at paalala:
Consorsia mas mainam kung ikaw ang magpapasya, dahil kahit anunaman ang iyong idesisyon tiyak na sa isang maunlad at masaganang buhay pa rin hahantong ang iyong karanasan. Pero mas mainam na ring sundin mo ang nakikiusap mong amo na manatili ka muna sa kanila at kasabay nito mag-ipon ka pa ng mag-ipon, upang pag maraming-marami ka ng pera, masimulan mo na ang kahit na anong negosyong binabalak mo, na tulad ng paulit-ulit na nasabi na, anuman ang iyong gawain, sa pag-unlad at pagyaman din naman mauuwi ang iyong kapalaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending