May humihilot ba sa SC sa Marcos burial?? | Bandera

May humihilot ba sa SC sa Marcos burial??

Bella Cariaso - October 23, 2016 - 12:10 AM

INASAHAN ng publiko na maglalabas na ang Korte Suprema ng desisyon noong Martes kung papayagan nito o hindi ang paglilibing sa dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libigan ng mga Bayani (LNMB) bagamat hindi ito natuloy.

Ipinagpaliban muli ito ng Kataastaasang Hukuman matapos palawigin ang status quo ante order
hanggang Nobyembre 8.

Nag-abang at nag-vigil pa ang mga sumusuporta para payagan ang paghihimlay kay Marcos sa LNMB, bagamat ibinitin nga ng SC ang desisyon nito.

Bitin na bitin na ang taumbayan sa paglilibing kay Marcos sa LNMB, bakit kaya ayaw pang payagan ito ng Korte Suprema gayong kitang-kita naman na merong pagsang-ayon dito ang marami nating kababayan.

May hinihintay ba ang mga mahistrado bago tapusin at tuldukan na ang matagal na usapin na humahati sa bansa sa mahabang panahon.

Dalawang buwan na ang lumipas nang unang ipalabas ang status quo ante order na pumipigil sa ginagawang proseso ng Armed Forces para sa paglilibing ni Marcos sa LNMB. Hindi pa ba sapat ito para mapag-aaralan ang mga petisyong inihain ng mga kumukontra sa paglilibing kay Marcos at kung anong magiging epekto nito sa pangkabuuan, pumayag man sila o hindi?

Mahigit 20 taon na ang hinintay ng mga sumusuporta na bigyan na ang dating pangulo ng isang libing na angkop naman sa kanya dahil dati siyang pangulo at sundalo na nagsilbi at lumaban para sa bayan kayt napapanahon na para siya ay mailibing sa LNMB.

Hindi pa ba nakikita ng Korte Suprema ang pagpayag ng taumbayan na maihimlay si Marcos sa LNMB.

Halos dalawang milyon na ang nakalap na pirma na sumusuporta sa pagpapalibing sa LNMB. Ang iba ay tahimik lang, pero obvious na hindi problema sa kanila kung bigyan man ng hero’s burial ang dating pangulo.

Base na rin sa opinyon na nakalap ng Inquirer Bandera mula sa mga readers nito, mas higit na nakararami ang payag at naniniwala na karapatan ni Marcos na mailibing sa LNMB bilang dating pangulo at dating sundalo na nagsilbi sa bayan.

O baka naman may pinipili lang silang tingnan kaya ang ilan sa kanila ay ayaw pakumbinsi na sapat na ang dahilan para payagan ang paglilibing kay Marcos.

Base sa ulat, merong mga pwersa na sinasadyang pinapatagal ang paglalabas ng desisyon para mahilot ang mga mahistrado na tuluyang paboran ng mga ito ang mga petisyon na inihain na tumututol na huwag ilibing si Marcos sa LNMB.

Anong kayang paraan ng panghihilot ang ginagawa para mapressure ang mga mahistrado na katigan ang mga petisyon laban sa LNMB burial?

Kailangan nilang mag-buy ng time para mapilit o umabot ang kanilang bilang sa hindi papabor.

Sa kabuuan, may 14 na mahistrado ang magdedesisyon sa mga petisyon kontra Marcos burial. Nag-inhibit na si Justice Bienvenido Reyes, na siyang nag-administer ng oath ni Pangulong Duterte, sa isyu dahil sa pagiging “close” sa ilang partido na involved sa kaso.

Sakaling magkaroon ng deadlock, o maging 7-7 ang resulta ng botohan, magkakaroon muli ng deliberasyon sa isyu.

Sakaling matapos ang deliberasyon at ganun pa rin ang resulta ng botohan, mangangahulugan ito na ibabasura ang consolidated petition ng mga tutol na mailibing si Marcos sa LNMB.

?Dapat ay pakinggan ng Korte Suprema ang posisyon ng gobyerno na pumapabor sa paglilibing ni Marcos sa LNMB bago gawin ang deliberasyon at botohan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umaasa tayo na hindi magbingi-bingihan dito ang Korte Suprema. Pagkakataon na ito para matuldukan ang napakatagal ng isyu at para maghilom na ang sugat na matagal nang humahati sa bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending