Babala kay James: mag-ingat sa malalandi
TULUYAN na ngang nagpakatotoo sa kanyang damdamin si Ali (JC Santos) matapos siyang mabisto ng kanyang ama tungkol sa tunay niyang pagkatao Till I Met You.
Samantala, inamin na rin ni Basti (James Reid) ang kanyang intensyon na muling ligawan si Iris (Nadine Lustre).
Bumuhos ang matinding emosyon sa pag-amin ni Ali sa kanyang ama si Greggy (Robert Seña) nang aminin nito na siya ay bakla. Dahil naman sa galit at pagkadismaya, pinalayas ni Greggy si Ali at sinabihang hindi siya matatanggap nito.
Sa kabila nito, agad na sumaklolo ang mga kaibigan niyang sina Iris at Basti at sinamahan siyang harapin ang kanyang pinagdaraanan.
Habang mabigat ang problema ng kanyang kaibigan, maganda naman ang nagiging kapalaran ni Basti ngayong nagkaroon na siya ng pagkakataong makilala ang pamilya ni Iris, pati na rin ang ina nitong si Cassandra (Carmina Villarroel).
Upang maipakita rin na malinis ang kanyang hangarin, inamin niya kay Lolo Soc (Noel Trinidad) na nais niyang muling ligawan si Iris at ibalik ang kanilang pag-iibigan.
Ano nga ba ang gagawin ni Ali upang matanggap siya ng kanyang ama? Tuloy-tuloy naman kayang umayon ang kapalaran kina Iris at Basti?
Huwag palampasin ang pamamayani ng tunay na pag-ibig sa Till I Met You, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.
Samantala, tahimik ang relasyon ngayon nina James at Nadine dahil walang masyadong intriga sa kanila. In fairness, wala pa tayong nababalitaan na nega tungkol sa dalawa – mukhang nalagpasan na nila ang mga pamba-bash sa kanila ng netizens.
Sabi nga ng isang follower ng JaDine, sana nga ay sa kasalan na mauwi ang relasyon ng dalawa, at sana raw ay walang ibang babaeng maglandi kay James dahil baka maagaw pa nito ang binata kay Nadine.
Kaya dapat daw ay bantayang mabuti ng dalaga ang kanyang dyowa. Alam n’yo na, maraming ahas sa tabi-tabi! Baka matuklaw si James!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.