Movie Review: 'Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend' swak sa mga may pinagdaraanan | Bandera

Movie Review: ‘Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend’ swak sa mga may pinagdaraanan

Bella Cariaso |October 20,2016
facebook
share this

Movie Review: ‘Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend’ swak sa mga may pinagdaraanan

Bella Cariaso - October 20, 2016 - 11:59 AM

download (2)

MAY pinagdadaanan ka ba at nais mong maaliw?

Kung wala ka namang biases sa mga bading, tiyak na mapapatawa ka ng bagong pelikula nina Anne Curtis, Dennis Trillo at Paolo Ballesteros na “Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?”

Sunod-sunod ang mga pelikulang Pinoy na ang tema ay may kaugnayan sa kabadingan.  Nangangahulugan ito na mas open na ang mga Pinoy sa isyu nang hindi lamang ng mga bakla kundi ng buong LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender).

Ang kwento ay umiikot sa love life ni Kylie (Anne), na lahat ng kanyang nagiging boyfriend ay pawang mga bading pala, hanggang sa nakilala niya si Diego (Dennis) sa pamamagitan ni Benj (Paolo) dahil sa pagiging magkaibigan ng dalawa.

Kwelang-kwela si Anne sa comedy, at masasabi kong ito na siguro ang best acting na ipinakita niya kumpara sa mga nagdaan niyang pelikula.

Speaking of the film itself, talagang ginawa ito para magpatawa.   At sa sinomang manonood ay hindi mabibigo dahil sasakit talaga ang tiyan mo sa tawang dulot ng mga eksena ng tatlong pangunahing aktor na nagsiganap.

Introducing pa rito ang character ng kalye-serye ng Eat Bulaga na si Rogelia, na si Sinon Loresca na nakipagsabayan kay Dennis, hindi lamang sa pagpapakita ng katawan, kundi sa pagpapatawa.

Kasama rin sa cast si Michael de Mesa na hindi pa rin nagbabago ang kalibre sa pagganap bilang bakla.  And take note dual role pa ang ginagampanan niya rito.

Sa mga manonood pa lang, isang paniguro na wala kayong gagawin dito kundi humalakhak sa mga eksena.

Kung sa “The Third Party” nina Angel Locsin, Zanjoe Marudo at Sam Milby ay ang dalawang huli ang nagkatuluyan, hindi ko na sasabihin ang ending ng pelikula para panoorin nyo.

Basta swak ang pelikula sa mga kababaihan na nagtatanong kung darating pa rin ba si Mr. Right sa buhay nila.

Isang aral ng pelikula ay ang pagiging totoo sa sarili at paggalang sa sexual preference ng isang tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayat sa mga may pinagdadaanan sa lovelife at kung ano pang problema ang nais na makalimutan, panoorin ang pelikula nang hindi lamang kayo mapangiti, kundi mapahalakhak pa.

Kitang-kita ang chemistry ng tatlong pangunahing bida sa pelikula, lalung-lalo na sina Anne at Dennis. Kung bibigyan ko ng iskor ang pelikula mula 1 hanggang 10, kung saan 10 ang pinakamataas, bibigyan ko ito ng 9. Panoorin ang ‘Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend’, ang comedy movie ng taon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending