Anne waging-wagi sa breakdown scene habang lasing | Bandera

Anne waging-wagi sa breakdown scene habang lasing

Ervin Santiago |October 20,2016
facebook
share this

Anne waging-wagi sa breakdown scene habang lasing

Ervin Santiago - October 20, 2016 - 12:01 AM

paolo dennis anne

BAKLA. Bading. Beki. Bekibelles. Baklush! Yan ang iba’t ibang tawag sa members ng gay community na bidang-bida ngayon sa bagong pelikula ng Viva Films, ang “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend”.

Nagkaroon kami ng chance na mapanood ang kabuuan ng pelikula sa ginanap na premiere night nito sa SM Megamall cinema 9 nitong Martes kung saan present ang tatlong bida na sina Paolo Ballesteros, Dennis Trillo at Anne Curtis at ang direktor nilang si Jun Lana.

In fairness, waging-wagi ang movie sa katatawanan at hugot moments, mula simula yata hanggang sa ending ay tawa kami nang tawa, bukod pa sa mga pakilig na eksena nina Anne at Dennis, pati na ang mga hirit at punchlines ni Paolo bilang beki na ex-boyfriend ni Anne na may gusto naman sa kababata niyang si Dennis.

Ang saya-saya ng movie, pampa-good vibes lang kumbaga ang tema nito.

Ang galing-galing ni Anne sa kanyang “breakdown” scene kung saan lasing na lasing siya at pinasabog ang mga sikreto ng kanyang bestfriend (Paolo) at ng bagong lalaking nagpatibok ng kanyang puso (Dennis). At nangyari ito sa mismomg prenup dinner nina Dennis at ng fiancee nito played by Yam Concepcion.

Given na ang galing ni Paolo sa pagpapatawa, hindi niya binigo ang mga manonood sa kanyang mga nakakalokang hugot bilang isang bading na nagkukunwaring lalaki para hindi layuan ni Dennis na lihim niyang pinagnanasahan.

At siyempre, winner na winner para sa amin ang mga eksena ni Dennis na ang fresh-fresh at ang yummy-yummy sa kabuuan ng movie. In fairness, ang lakas din pala ng chemistry nila ni Anne (at ni Paolo na rin), lalo na sa halikan nila sa loob ng simbahan na talagang ikinahagalpak ng manonood.

May bonus pang pa-skimpy trunks si Dennis sa eksena niya sa swimming pool kung saan bakat na bakat ang kanyang pagkalalaki.

May big celebrities din na nag-guest appearance sa “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?” kaya yan ang abangan n’yo. Hindi na rin namin ikukuwento kung kanino mapupunta si Dennis – kay Anne ba, kay Paolo o kay Yam?

q q q

Isa pa pala sa nagpasaya sa pelikula ay si Michael de Mesa playing dual role – isang military general at isang transgender. Idagdag pa ang macho gay man na si Ramon Ramon na unang nakilala bilang Rogelia sa Kalyeserye ng Eat Bulaga. Agaw-eksena ang baklang puro muscles at abs lalo na yung nag-macho dancing siya sa bridal shower ni Yam Concepcion.

Bukod sa napakagandang cinematography, makukulay na lokasyon at ganda ng rehistro ng tatlong bida sa screen, wala ring pagkabagot sa kabuuan ng pelikula dahil mabilis ang pacing ng kuwento at maraming mapupulot na beki terms mula sa “beksyonaryo” ni Anne.

Sa maikling panayam ng entertainment media sa mga bida ng pelikula bago magsimula ang screening, sinabi nilang mami-miss nila ang isa’t isa. Sey ni Dennis, hinding-hindi niya malilimutan ang experience working with Anne and Paolo.

Inamin ni Anne na nabitin pa siya sa bonding moments nila sa shooting, “It was a great experience very short but at the same time masaya, masaya ang journey. Walang bad trip.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Na sinegundahan naman ni Pao, “Very, very light lang kasi sa set para lang kaming naglalaro sa camera, so I guess yun yung mami-miss namin even ang mga crew sila direk (Jun Lana) ang gaan lang ng trabaho,” pagtatapos nila.

Showing na ang “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?” sa mga sinehan nationwide. – EAS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending